Chapter 11 part 2

49.7K 1K 66
                                    

Chapter 11 part 2

"What happened? Sino ang kausap mo?" Nakakunot ang noo na tanong ni Julie sa anak.



"Si Xander mommy." Maikling tugon ni Lynette, hindi pa rin siya makapagdesisyon kung sisiputin ba niya si Xander. Ang inaalala ay baka lalong magalit sa kanya ang lalaki kapag hindi siya dumating.




"Anak, kung talagang galit sa'yo si Xander tigilan mo na ang pakikipag-usap sa kanya. Kung ayaw niyang bigyan ka ng extension then close that school. Kaya pa naman namin ibigay sa inyong magkakapatid ang lahat ng pangangailangan ninyo kahit hindi kayo magsipagtrabaho."




"Mommy, alam naman ninyo na ito ang pangarap ko. Ang dami dami kong pinagdaanan para lang ma-establish ang STA tapos basta ko na lang isusuko dahil lang kay Xander. Don't worry I can handle this and I'm sure he'll grant my request." Pangungumbinsi ni Lynette sa ina. Ang pinakaiiwasan niyang mangyari ay ang ma-involve ang mga magulang sa kinakaharap niyang problema.




"So, why did he call you?"




"Magkikita kami sa Antonio's ngayon para..."




"No! hindi ka pupunta Lynette." Matigas na pagtutol ni Julie.




"Mommy, what's wrong with you? Pag-uusapan lang naman namin ang tungkol sa STA, and besides we're in public place kaya wala kang dapat ipag-aalala." Nginitian ni Lynette ang ina para mapanatag ito.




Napabuntong hininga na lamang si Julie, hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman sa pakikipagkita ni Lynette kay Xander. "Basta tawagan mo ako kapag may ginawang kalokohan ang Xander nay un sa'yo."




"Hindi siya gagawa ng kalokohan dahil ikakasal na yung tao. Kaya huwag ka nang mag-alala." Inakbayan pa ni Lynette ang ina bago umakyat sa kaniyang sild para magbihis. Hindi naman espesyal ang dinner nila ni Xander kaya nag white jeans, long sleeve blouse at flats lamang ang isinuot niya. Ngunit kahit sa simpleng damit na suot niya ay talagang lumulutang pa rin ang kagandahan niya. Madalas nga siyang biruin ng mga pinsan na kahit daw pasuotin ng basahan ay maganda pa rin siya.




Si Xander naman ay halos lumipad ang minamaneho niyang kotse sa bilis ng pagpapatakbo niya. Laking pasasalamat niya rin dahil walang traffic kaya agad siyang nakarating sa Antonio's. Pagpasok niya ay agad niyang hinanap si Lynette at napasimangot siya ng hindi niya ito makita. "Damn!" Lihim siyang napamura habang papunta sa nireserve na table, naiinis siya dahil baka hindi siya siputin ni Lynette.

Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon