Chapter 8 part 2
Mag-iisang oras ng naghihintay sina Xander pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang administrator ng STA. Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang pinaghihintay siya.
"Mrs. Valdez, darating ba talaga ang boss mo? Baka naman naghihitay kami rito saw ala." Naiiritang sabi ni Xander.
"She's coming sir. Pasensiya na po kayo naiipit daw po siya sa traffic." Pagpapakumbaba ng principal.
"Kanina niyo pa sinasabi sa akin iyan. Saan ba siya manggagaling?"
"Sa Laguna pa po kasi siya manggagaling, hindi kasi namin alam na darating kayo ngayon nagkataon naman po na kailangan niya ring tulungan ang mga magulang ngayon sa palaisdaan nila." Mabilis na paliwanag ni Mrs. Valdez, piping dalangin niya rin n asana hindi mainip ang aroganteng binata para makausap nito si Miss Alcala.
Natigilan si Xander dahil parang may isang tao siyang biglang naalala. Sa pagkakaalam na palaisdaan ang isa sa mga negosyo ng dating kasintahan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, tuwing naaalala niya si Lynette ay naninikip ang kanyang dibdib.
"Kuya mabuti pa kumain muna tayo sa paborito mong restaurant tapos balik na lang tayo siguro naman nandito na si ate...ahh Miss Alcala." Napakagat ng labi si Ella. Tinititigan niya ang reaksiyon ng kapatid ng banggitin niya ang apelyido ni Lynette.
"Ang mabuti pa umuwi na tayo. Kung gusto niya akong makausap tawagan na lang niya si Atty. Castro." Kay Mrs. Valdez nakatingin si Xander.
"Kuya naman...nandito na tayo. Isa pa wala naman siyang kasalanan kung late siya ngayon kasi hindi naman tayo nagpasabi na darating." Pagtatatanggol ni Ella kay Lynette.
Tiningnan lamang ni Xander ang kapatid at walang binitawan na kahit anong salita basta na lamang itong tumalikod at pinuntahan ang nakaparadang sasakyan.
"Mrs. Valdez pasensiya na kayo kay kuya. Hinging paumanhin ni Ella. "And please tell ate Lynette to call me." Bilin niya sa principal.
"Makakarating po Miss Almonte."
PARANG gusto nang maiyak ni Lynette ng mga sandaling yun. Halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa unahan nila, hindi na siya sigurado kung maaabutan pa niya si Xander.
"Manong, hanggang saan po kaya itong traffic na ito?" Hindi na siya mapakali sa kinauupuan panay din ang lingon niya sa labas ng bintana.
"Malapit na po tayo sa Greenfield Subdivision ma'am. Kapag nakapasok po tayo doon dire-diretso na po tayo."
Panay ang buntong hininga niya, wala naman siyang magagawa sa gitna ng traffic kung puwede nga lang na lumipad siya ay baka kanina pa niya ginawa.
Makalipas pa ang forty minutes sa wakas nakarating din sila ng STA. Nagmamadali siyang umibis ng sasakyan at dire-diretso sa opisina ng principal.
"Mrs. Valdez, nasaan na si Mr. Almonte?" Kinakabahan niyang bungad.
"Naku ma'am nainip kaya hayun umalis na. Pero sinabi niya na kung gusto mong makipag-usap sa kanya tawagan mo lang si Atty. Castro para makapag set ng appointment."
Nanghihinang napaupo siya sa silya sa harap ng mesa ni Mrs. Valdez. "Wala po ba siyang nabanggit tungkol sa hinihingi nating extension?"
"Kaya nga daw siya nandito para mag ocular visit para sa itatayo nilang commercial complex. Napansin ko na mahihirapan talaga tayong makiusap sa tao nay un. Napakaarogante akala mo pag-aari niya ang mundo." Sumbong ni Mrs. Vadez.
"Susubukan ko pa rin baka naman maawa sa mga studyante natin." Nakaramdam ng kaba si Lynette dahil sa sinabi ni Mrs. Valdez tungkol sa naobserbahang ugali ni Xander. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Ella na malaki na ang pinagbago ng kapatid.
"Tawagan mo daw pala si Miss Almonte. Magkaibang magkaiba ang pag-uugali ng mga yun." Mahahalata sa boses ni Mrs. Valdez na magaan ang loob niya sa dalagang Amonte.
Pagpasok ni Lynette sa kanyang opisina ay agad niyang dinampot ang telepono para matawagan si Ella.
"Ella, I'm sorry hindi ko na kayo naabutan. Nanggaling pa kasi ako sa Laguna."
"I understand, kaya lang naman itong si kuya ang maikli ang pasensiya ." Sabay tingin ni Ella sa kapatid na nakaupo sa tabi niya.
Agad naman nahulaan ni Xander kung sino ang kausap ng kapatid sa kabilang linya. "Tell her, I want to talk to her tomorrow after lunch." Kanina ay nagkaroon siya ng pagkakataon na libutin ang STA at nakita niya ang sitwasyon ng mga studyante. Ngayon lang niya naunawaan ang ibig sabihin ng kapatid, mahihirapan nga naman ang pamunuan ng eskuwelahan sa biglaang paglipat ng mga ito.
Nakangiting binalingan ni Ella ang kapatid bago muling kinausap si Lynette."Ate, kuya wanted to talk to you, bukas daw after lunch. Are you available?"
"Of course, dapat maging available siya dahil future ng STA ang pag-uusapan namin." Singhal ni Xander sa kapatid.
"Kuya, will you please shut up..." Pinandilatan ni Ella ng mga mata ang kapatid.
Dinig na dinig ni Lynette ang malakas na boses ni Xander. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na yun sa nalalapit nilang pagkikita ng dating nobyo.
Nang matapos makipag-usap ng kapatid ay biglang naalala ni Xander ang tungkol sa iniutos niya kay Atty. Castro. "Ella, pakitawagan naman si Atty. Castro, I need to talk to him."
"Kuya, mamaya dumaan tayo sa mall, bumili ka ng sarili mong cellphone. Parang secretary mo ang nagiging role ko sa'yo." Reklamo ni Ella habang tinatawagan si Atty. Castro. Nang may sumagot na sa kabilang linya ay mabilis niyang ipinasa sa kapatid ang hawak na telepono.
"Attorney, did you get any information?"
"Yes, and you'll be surprised. Hindi ko akalain na siya pala ang ex-girlfriend mo." Masayang tugon ng matandang abogado.
"Okay, I'll meet you tomorrow around six thirty in the evening. May meeting ako ng after lunch sa administrator ng STA, hindi ako sure kung anong oras matatapos kay mas mabuti kung sa gabi tayo magkikita."
"W-Wait Xander, yung administrator ng STA..."
"I'll see you tomorrow night attorney." Mabilis na paalam ni Xander.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.