Chapter 10 part 2
"Kuya, may meeting ka ng around 10:00 A.M. di ba?" Pagpapaalala ni Ella sa kapatid. Napansin niya rin na hindi komportable si Lynette sa presensiya nito kaya kulang na lang ay ipagtabuyan na niya si Xander.
"I know, and I want you to represent me." Walang kangiti-ngiting tugon ni Xander.
"Huh? Bakit ako?!"
"Para mas lalo mong malaman ang pasikot sikot ng negosyo natin."
"Hijo, biglaan naman yata ang pinapagawa mo sa kapatid mo." Hindi na nakatiis na singit ni Dennis.
"Papa, kailangan niya yan para lalo siyang matuto. You always pampering her kaya lalong nagiging spoiled."
"Bakit naman kasi hindi na lang ikaw ang makipag-usap sa mga bago nating kliyente?" Nakasimangot na si Ella, ang pinakaayaw pa naman niya ay ang pagharap sa mga kliyente nila ng hindi siya handa. "Aha! Alam ko na kasi nandito si ate Lynette." Pang-aasar niya sa kapatid.
Tiningnan ng makahulugan ni Lynette si Ella, gusto man niya itong direktang sitahin ay nag-aalangan siya dahil nakaharap ang mag-asawang Almonte.
" You're right sis, gusto ko lang makabawi kay Lynette and I hope you'll understand me." Nginitian pa ni Xander si Lynette habang nagsasalita.
Wala ng nagawa si Ella kundi pagbigyan ang kapatid. Gusto niya rin naman na makapag-usap ang dalawa. "Ate, may ipapakita ako sa'yo. Hiramin ko muna siya sandali sa library lang kami." Sabay hila niya sa isang kamay ni Lynette.
Nakahinga ng maluwag si Lynette ng makalayo kay Xander. Marahan niyang isinandal ang likod sa malambot na sofa na nasa loob ng library.
"Ate, sorry hindi namin alam na hindi pala natuloy si kuya na lumipat kahapon sa pad niya." Hinging despensa ni Ella.
"Wala na rin naman tayong magagawa, sa ayaw at sa gusto ko magkikita talaga kami ngayon. Napaaga nga lang." Nakangiting tugon ni Lynette.
"Sa tingin ko papayag na siya sa hinihingi mong extension. Kahit hindi magsalita si kuya alam ko may nararamdaman pa rin siya para sa'yo." Kinikilig na patuloy ni Ella. Kanina habang kumakain sila ay hindi talaga niya nilubayan ng tingin ang kapatid kaya kitang kita niya kung paano nito titigan si Lynette.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
Storie d'amoreSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.