Chapter 24 part 2

36.5K 765 18
                                    

Chapter 24 part 2


Samantalang habang nagaganap ang pagtatalo sa pagitan nina Ella at Xander ay may komprontasyon ding nangyayari kina Lynette at sa mga magulang nito. Kabadong-kabado si Lynette ng ipatawag siya ng ama at ang kabilin-bilinan pa nito na importante ang kanilang pag-uusapan.




"Lynette, matagal na naming gustong kausapin ka ng daddy mo tungkol sa biglaang pagpapakasal mo kay Xander." Bungad ni Julie pagpasok niya sa family room.





"Mommy...akala ko ba okay lang sa inyo." Marahan siyang umupo sa tabi ng ama. Mula't sapol ay silang dalawa na ang laging magkakampi kaya inaasahan niya na kakampihan siya ngayon nito.





"Noong mamanhikan sila ay wala kaming napansin na mali ngunit nitong mga nakaraang linggo aba Lynette hindi na normal ang mga naoobserbahan namin ng daddy mo." Pilit na pinananatili ni Julie ang pagkamahinahon dahil naniniwala siya na ang lahat ng problema ay nadadaan sa maayos na usapan.




"Wala naman po akong nakikitang problema." Tugon ni Lynette ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa ina.




"Walang nakikitang problema o talagang problema itong pinasukan mo. Saan ka nakakita ng ikakasal na walang ginagawang involvement sa mga preparations? Alam ko na mayaman ang mga Almonte at kaya nilang magbayad kahit isang daang wedding coordinators pero hindi ito excuse para hindi ninyo pakialaman ang mga detalye. Pati raw wedding ring niyo ang wedding coordinator din ang pumili. Lynette, pilit kong iniintindi ang mga nangyayari pero hindi ko talaga maunawaan ito." Panenermon ni Julie, gusto rin niyang hingan ito ng paliwanag.





Napalunok si Lynette, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa kanyang mga magulang. Nang lingunin niya ang kanyang daddy ay seryoso rin itong nakatunghay sa kanya hindi ito katulad ng dati na kapag nagkakaproblema siya ay laging may pang-unawa ang mga titig nito.





"B-Busy lang po kami ni Xander." Alam ni Lynette na mababaw na dahilan ito ngunit wala na siyang maisip na maaaring isagot.




"Kung busy kayo sana hindi na muna kayo nagplanong magpakasal." Mabilis na sabi ni Ramon. Kung hindi lamang siya pinipigila ng asawa ay kanina pa niya kinompronta ang anak tungkol sa natuklasan. Panay ang makahulugang sulyap sa kanya ni Julie—dahil ang gusto nila ay mismong si Lynette ang magsabi ng tungkol dito ngunit mukhang walang planong magtapat ang anak tungkol sa ginawa nitong kalokohan.

Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon