Chapter 28 part 2
"Ang aga mo naman?" Bungad ni Lynette kay Xander ng madatnan ito sa kanyang opisina. Magmula ng magkasundo sila na subukang maging normal ang kanilang relasyon ay lagi ng nakadikit sa kanya ang binata.
Mabilis na tumayo si Xander at nakangiting lumapit kay Lynette. Dinampian niya ito ng banayad na halik sa mga labi, at iginiya niya ito paupo sa sofang na naroroon. "Dito na ako dumiretso, actually hindi pa nga ako nag-aalmusal."
"Aba mister baka naman napapabayaan mo na ang kumpanya mo." Kunwaring paninita ni Lynette kay Xander.
Tinawanan lamang ni Xander ang sinabi ni Lynette at masuyo niyang kinabig ito at mahigpit na niyakap. "I missed this moment..." Malambing na bulong ni Xander habang nakasandig sa dibdib niya ang ulo ni Lynette.
Tuwing ganito sila kalapit sa isa't-isa parang sasabog ang dibdib ni Lynette sa kaligayahan. Nadarama niya na mahal pa rin siya ni Xander kahit wala itong binaganggit tungkol dito. Hinayaan niyang manatili sila ng ilang minuto na magkayakap.
"Dalawang araw na lang you'll be Mrs. Lynette Almonte akala ko hindi na ito mangayayari." Pagpapatuloy ni Xander.
Mabilis na umayos sa pagkakaupo si Lynette ng biglang may naalala. "Nakausap ko ang wedding coordinator, ang sabi niya sa akin may mga pinabago ka raw na ibang detalye. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" May himig na pagtatampo ang boses niya.
"Alam ko kasi na hindi ka papayag kung sasabihin ko sa'yo." Parang teenager na napakamot ng ulo si Xander.
"Mabuti alam mo...ang mamahal ng mga pinalit mong bulaklak! Pati ang wedding gown ko pinakialaman mo rin, ilang beses na nating napag-usapan na simpleng kasal lang ang gusto ko." Litanya ni Lynette kay Xander.
"You know why?" Buong pagmamahal na tinitigan nito si Lynette.
"Kasi ayaw mong mapahiya sa mga bisita mo." Nakaingos na sagot ni Lynette.
"I don't care about my visitors, I only want the best for you honey. I'll do everything just to make you happy." Mahigpit na ginagap ni Xander ang palad ni Lynette.
BINABASA MO ANG
Vanished Love Affair (Completed)
RomanceSometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.