Chapter 12 part 2

40.4K 879 24
                                    

Chapter 12 part 2

"Ella, please call Lynette may mga itatanong lang ako sa kanya." Utos ni Emer sa bunsong anak. Kanina pa niya kinakatok ito ngunit mukhang hindi siya naririnig.



Muntik ng mabitawan ni Ella ang hawak na telepono ng marinig ang boses ng ina. "Mama, nakakagulat ka naman basta ka na lang sumusulpot." Sabay hawak niya sa kanyang dibdid.



"Sino ba ang kausap mo? Si Dale Gavin ba?" Makahulugang tanong ni Emer sa anak. Matagal na niyang gustong kausapin ito tungkol sa mga naririnig niya ngunit hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon.




"Wala naman kaming dapat pag-usapan ni Dale Gavin." Halatang medyo nataranta si Ella sa tanong ng ina.




"May mga naririnig ako tungkol sa inyo at..."




Pinutol ni Ella ang sasabihin pa sana ng ina. "Mama, anong pag-uusapan ninyo ni ate Lynette?" Pag-iiba niya ng usapan.



"May itatanong ako about sa school."




"Don't tell me na gusto mo na rin magtayo ng school."




"Basta gusto namin siyang makausap ng papa mo pero huwag mong sasabihin sa kuya mo ang tungkol dito." Mahigpit na bilin ni Emer.




Nagkibit balikat na lamang si Ella kahit alam niya na may pinaplano ang mga ito. Pagkalabas na pagkalabas ng ina sa kanyang kuwarto ay muling dinampot ni Ella ang kanyang telepono hindi para tawagan si Lynette, ang gusto niyang makausap ngayon ay ang kanyang kuya.




"Kuya, pumayag ka na ba sa hinihinging pabor ni ate Lynette?"




"Three months from now magsisimula na ang construction." Hindi na kailangan ipaliwanag ni Xander ang naging desisyon niya sa kapatid.




"Napakasimple lang ng hinihingi sa'yo ni ate Lynette. Bakit mo ba siya pinahihirapan? Actually ikaw ang may kasalanan sa kanya, basta mo na lang siyang iniwan sa ere ng wala kahit na anong explanation." Umaasa si Ella na may malalaman siya tungkol sa kasalanan ni Lynette na pinagpipilitan ng kapatid.




"Wala kang alam sa mga nangyari sa amin."

Vanished Love Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon