Tapos na ang exam namin para sa ngayong araw. Isa na lang bukas at iyon nga yung P.E. After no'n, practice ng graduation then graduation na. Iniisip ko pa nga rin kung anong gagawin kong pakulo para masabi kong sasagutin ko na si Zaem.
Ang hiram kapag hindi ka malandi, charing lang. Sigurado naman akong maraming magrereklamo dahil malandi nga naman talaga ako. Naalala ko nga noong bata ako, akala ko nilalandi ni Tito Wyandel si Mame, tapos sabi ko, ako na lang landiin niya.
"Are you sure na isasama natin sila?" Tanong ni Nlex kay Zaem.
"Mamaya umiyak na naman 'yang si Parsia," sabi naman ni Rycher.
"Ikaw ang iiyak kasi iiwan ka na niya," pang-aasar ko sa kaniya.
Umirap lang ito sa 'kin. Pikon ang kumag.
"Wag kayong mag-alala, hindi naman ako manggugulo doon," sabi ko bago mapahinga nang malalim. "Behave lang kami ni Slex doon."
"Huh? Kasama ako?" tanong ni Slex at itinuro pa ang sarili. "Teka, hindi ako na-inform."
"Wala ka nang magagawa," sabi ko bago umangkla sa braso niya. "Ayaw mo ba no'n? Maraming lalaki doon na may biceps, mahilig ka doon 'di ba?"
"Bilat, I don't like there na. Marami ngang may biceps, maaasim naman," maarteng sabi nito. "At saka, may gagawin pa ako kaya ayaw kong sumama. I'm a busy person."
Sus, busy lang siyang kumain ng kipay, eh. Alam kong tumatakas siya tuwing gabi para puntahan si Zabria. Wala siyang maitatago sa 'kin.
"Saglit lang 'yon, mapupuntahan mo rin si Zabria mamaya," sabi ko sa kaniya.
Wala naman itong nagawa at tumango na lang. Kaso, mukhang hindi pa rin sang-ayon sila Nlex na isama kami ni Slex. Wala rin naman silang choice dahil nagdesisyon na si Zaem.
Gamit din namin ang kotse nila Zaem, pinahiram ulit sa kaniya basta ingat lang daw si Zaem.
"Parsia, behave there," sabi ni Zaem habang nagmamaneho. "Iuuwi kita kapag nagkulit ka doon."
"Hindi ako bata, okay?" nakasimangot kong sabi.
"I know. I'm just remindjng you," mahinahong sabi nito. "Ayokong ma-trauma ka na naman doon, at ayokong mapag-initan ka sa lugar na 'yon."
Tumango na lamang ako sa kaniya bilang sagot. Ayoko ring makipagtalo sa kaniya at baka mag-away pa kaming dalawa.
Maya maya nga lang ay nakarating na kami sa underground arena nila Zaem. Hawak hawak ni Zaem ang kamay ko habang papasok kami sa loob.
"She's with me," sabi ni Zaem sa parang bouncer nang akmang haharangin ako nito. "Don't touch her."
Dumiretso kami sa loob at pumwesto sa isang gilid. May nagsusuntukan agad sa ring at panay sigaw ng mga tao. Ang ingay ingay tapos marami ka pang makikitang maasim.
"Hi pretty," bati sa 'kin ng isang lalaki.
Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Zaem sa lalaki, mabilis naman itong nawala sa harapan namin.
"Kaya ayaw kitang isama, eh, maaagaw ka pa," narinig kong bulong ni Zaem.
"Hindi naman ako magpapaagaw kaya kalmahan mo ang sarili mo," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Umiwas naman ito ng tingin, hindi nakatakas sa paningin ko ang namumula niyang tainga at mukha. Wala, tiklop sa 'kin ang Mafia niyo.
"Lalandi niyo," sabad ni Slex. "Bilisan niyo na lang Zaem dahil magagalit sa 'kin si Zabria."
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomantizmShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
