Last day of exam namin, which is P.E, wala namang magaganap na sagutan ng test paper, mag-pe-perform lang kami ng aming sayaw.
Gusto mo lang namang magtinda ng fishball pagka-graduate pero bigla kang ginawang dancer.
"Galingan mo," sabi ni Mame.
May program kasi kami, bale kaming mga grade 12 ang mag-pe-perform. Ewan ko kung anong program ito, basta para siyang thanksgiving daw.
"Mame, dapat hindi na kayo nanood," sabi ko sa kaniya.
"Why?" tanong ni Kuya Paxton, nakataas ang isang kilay nito. "Aren't you happy that we are complete here?"
Kasama ni Kuya Paxton ang ex wife niyang si Ate Maristella. Hindi pa nga rin ako makapaniwala na nagkaroon siya ng asawa, eh. Pasimpleng landi pala siya, kaya pala lumayo.
"PX, don't be sarcastic to my baby girl," sabi ni Ate Maristella sa kaniya.
"Don't spoil her," walang emosyong sabi ni Kuya Paxton sa kaniya.
Hindi ko na pinansin ang dalawa at tumayo na lang. Nagtungo ako sa bench kung nasaan ang mga classmates ko. White t-shirt ang suot namin at cargo pants, ang buhok naming mga girls ay nakadalawng trintas. Ang mga lalaki naman ay may headband na kulay itim.
"Your brother is glaring at me," natatawang sabi ni Zaem nang makalapit ako sa kaniya. "He's mad about the picture that you posted."
"Wag mong pansinin, inggit lang 'yan kasi matanda na siya," natatawang sabi ko bago maupo sa tabi niya. "Nasaan pala yung pinsan mong kumag?"
Nagkibit-balikat naman ito at hinaplos lamang ang buhok.
Isa isa na ngang nag-perform ang mga grade 12 hanggang sa kami na. Medyo kabado ako kasi baka mapatid ako, umaandar pa naman ang pagiging tanga ko kapag maraming tao sa paligid.
"Don't be nervous, I'm here," sabi ni Zaem at tipid na ngumiti.
Maya maya nga lang ay kami na ang magpapa-bida. Nangingibabaw ang sigaw ng mga Nanay namin, lalo na ang sigaw ni Tita Madeline. Nakalimutan niya atang kalaban kami ng kambal niya.
Nagsimula ang tugtog kaya nagsimula na kaming umindak. Bigay todo talaga ako kasi para sa grades 'to. Wala ka namang magagawa kapag grades ang usapan, yung tipong kahit ayaw mo pero no choice ka.
Malapit nang matapos ang sayaw pero bigla na lamang akong kinalibutan. Pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa 'kin kaya napahinto ako at inilibot ang paningin ko.
Huminto iyon sa dulong upuan. Natanaw ko ang isang lalaki naka-hood at pakiramdam ko ay nakangisi ito sa 'kin.
"Parsia. . ." Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Zaem. "What's wrong?"
Binalik ko ang tingin ko sa dulong bench pero na yung tao doon. Minumulto na yata ako.
"Wala," sabi ko na lang.
Sila na pala ang tumapos ng sayaw, hinayaan na lang nila akong tulala. Hanggang sa makabalik sa bench ay tuliro ako. Bigla akong hindi naging komportable. Pakiramdam ko ay may bigla lamang mangyayaring hindi maganda–
Napasigaw ang lahat nang bigla na lamang may sumabog mula sa labas. Sobrang lakas no'n dahil dumagundong ang gym. Mabilis na nagsilabasan ang mga tao kaya nakisunod ako.
Nanggagaling sa parking ang usok kaya nagtungo kami doon. Napaawang na lamang ako ng bibig nang makitang nagliliyab ang limang sasakyan. Sasakyan ng mga magulang naming magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
RomantizmShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
