Dahil sa nangyari sa school, kinansela muna ang klase. Although, wala na rin naman kaming klase, practice na lang ng graduation.
Sinisigurado kasi ng mga kapulisan na wala na ulit mangyayaring pagsabog, sila Dade rin ay nakikisali sa imbestigasyon dahil alam nilang involve sila.
Hindi ako pinalalabas nila Mame sa village, pwede ako sa labas ng bahay pero bawal akong lumampas sa labas ng village dahil delikado raw. Ang cellphone ko ay na kay Kuya Paxton, kaya ang cellphone niya ay naging akin na nga.
Mag-isa lang ako rito sa court, wala kasi yung iba. Si Cole, may sariling adventure kasama ang ghost friend niya. Si Nlex at Slex, nakabantay sa kanilang mga bebe loves. Ganoon din si Rycher tukmol. Si Zaem naman, hindi ko alam kung nasaang lupalop, pero feeling ko magkasama sila ni Kuya Paxton.
"Ate Parsia!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin.
"Eze," nakangiting bati ko sa bunsong kapatid ni Zaem. May dala itong bola kaya mukhang mag-ba-basketball siya rito sa court. Kasama ni Eze, si Yael, bunsong kapatid ni Rycher. Kasama rin niya ang dalawang kong kapatid na maldita at si Skyway–kapatid ng kambal na Nlex at Slex.
"Nigagawa mo rito?" Tanong ni Wyaxandra.
"Nakatambay," sagot ko. "Eh, kayo? Bakit nandito kayo? Tapos na ba mga assignments niyo?"
"Hindi pa, pero nagpaalam kami kay Mame," sagot ni Precious.
Tumango naman ako. "Ingat sa paglalaro, tanga at lampa pa naman kayong dalawa ni Wyaxandra."
Umirap lang sa 'kin ang dalawang maldita kaya mahina akong napatawa.
Nagsimulang mag-bola ang limang bata. Si Skyway ang pinakamatanda sa kanila pero hindi halata dahil maliit lang din siya.
"Pagod na 'ko," sabi ni Yael bago tumabi sa 'kin ng upo. "Ate Parsia, kuha mo nga akong tubig sa 'min."
Ayan, manang mana sa kapatid niya.
"Sa bahay na lang ako kukuha," sabi ko bago tumayo. "Wag kayong mag-away-away dito at baka ibuhol ko kayong lima." Binalingan ko si Sky. "Sky, ikaw munang magbantay. Tadyakan mo pare-pareho kapag nagrambulan."
Tumango naman si Sky at nag-thumbs up. Naglakad ako palabas ng court para umuwi. Mas malapit kasi ang bahay namin sa court.
Nakarating ako sa bahay at walang tao sa sala. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malaking pitsel na may tubig, kumuha rin ako ng basong plastic para doon sila iinom. Bawal ang babasagin at baka mabasag nila, katapusan ko kapag nagkataon. Mas mahalaga pa naman ang baso para sa mga Nanay.
"May nalaman kayo?" Napatigil ako sa paglabas ng kusina nang marinig ko ang boses ni Mame.
"Mukhang lumilitaw ang angkan ni Tarry," boses iyon ni Dade. "Sumisibol ulit yata ang angkan nila. Hindi maganda 'to dahil ang angkan ni Tarry ang pinakamalakas naming nakalaban. Si Archer ang kalaban niya pero alam kong babawi siya sa lahat dahil katulong kami ni Archer sa pagpapabagsak sa kaniya. Lumilitaw rin ang iba pa naming nakalaban, kabilang na yung angkan ni Marco.."
Kung hindi ako nagkakamali, si Marco ay ang dating asawa ni Mame. Tarantado ang lalaking 'yon dahil pinahirapan niya si Mame.
"Wyatt, ano nang gagawin natin? Baka madamay ang mga bata," ramdam na ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Mame.
"Penelope, 'wag kang mag-alala, hinding hindi ako papayag na mapahamak kayo ng mga bata," sabi ni Dade. "Pangako ko, itataya ko ang buhay ko para hindi kayo mapahamak."
Para hindi sila mas lalong mag-alala, sa likod bahay na ako dumaan. Magkukunwari na lamang akong walang alam para hindi na madagdagan ang isipin pa nilang dalawa.
Mahirap talaga kapag ang buhay mo ay lumaki sa angkan ng Mafia, kahit ano kasing iwas mo sa gulo, lalapit at lalapit pa rin sila. Inshort, magiging kakambal mo si kamatayan.
Nang makabalik sa court, nandoon na si Zaem kaya medyo natigilan ako. May kinakain na ring meryenda ang mga bata at may tubig na rin.
"Tagal tagal mo po," reklamo ni Yael na puro ketchup ang gilid ng labi. Pizza at spaghetti ang kinakain nila.
"Ay, sorry ho, ah?" sarkastikang sabi ko bago ilapag ang pitchel at baso.
Napaka-demanding, ibibitin ko siya sa ring kapag nainis niya ako, eh.
"How are you?" tanong ni Zaem nang makaupo ako sa kaniyang tabi. "Here, I bought pizza and spaghetti, kumakain ka muna."
Tumango ako bago kumuha ng pizza at sinimulang kumain.
"Kasama ka ni Kuya Paxton, 'di ba?" tanong ko. Hindi ito sumagot, alam ko na agad na hindi siya magsasabi sa mga nangyayari. "May nalaman ba kayo?"
"Yeah, and we're trying to fix everything," sagot nito. "Parsia, don't worry too much, everything will be okay."
"Alam niyo? Minsan nakakatampo kayo," pag-amin ko. "Kasi, lahat nililihim niyo sa 'kin. Gets ko yung point na ayaw niyo akong mag-alala pero karapatan ko rin namang may malaman, 'di ba? Lahat tayo involve sa mga nangyayari, pero ako lang ang walang alam. Ano? Kailangan ko pa bang mag-imbestiga ng sarili?"
"Parsia. . ."
"Mas lalo lang akong nag-o-overthink kapag hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa paligid ko," mahinang sabi ko pa.
"Parsia, I know that you're frustrated, but, please, let us handle this," pagsusumamo nito. "It's not that we don't trust you. It's just, we don't want to involve you in this mess. Parsia, you're too precious for us."
"Ako?" pagsabad ni Precious. "Bakit nadamay ako? Hala, 'wag mo akong nidadamay sa english mo, Kuya Zaem."
Paano manampal nang hindi nakakapag-paiyak?
"Oo na," sabi ko na lang kay Zaem.
Kahit anong gawin ko, hindi rin naman siya magsasabi. Manunuyo lang 'yang si Zaem, pero hindi 'yan dadaldal. Magiging Mafia na rin talaga ako kapag nainis ako.
"Don't be mad," maamong sabi nito bago hawakan ang kamay ko. "Please. . ."
Nangungusap ang mukhang nakatingin ito sa 'kin. Ibang klase talaga kapag gusto mo, ang hirap tanggihan. Dagdag mo pa yung pagiging masarap niya.
"Hindi naman ako galit, na-frustrate lang ako," sagot ko. "Pasensiya na. . ."
"No, don't say sorry, it's my fault," sabi nito.
Sinalpakan ko na lang siya ng pizza sa bibig para matigil siya. Nang mabusog ako ay sumandal na lamang ako sa kaniya, ang mga kamay nito ay nasa beywang ko para hindi ako matumba o mangawit.
Nakatingin kaming dalawa sa mga batang hindi namin malaman kung gustong mag-basketball o magsuntukan.
"Parsia, promise, I won't let thos fvckers to hurt you," sabi ni Zaem. "I will make myself stronger and I will kill them for you."
"Isantabi mo ang kill na 'yan, sisisihin mo pa ako kapag naging mamamatay tao ka," nakangiwing sabi ko.
Natawa naman ito bago sumubsob sa balikat ko. Natawa na lamang din ako. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa kaniya.
Dumako ang tingin ko sa kabilang gate ng court. Nakatayo doon ang isang masungit na lalaki na masama ang tingin sa 'min ni Zaem, naka-cross arm ito at madilim ang mukha. Si Kuya Paxton.
Hindi naman ako nagpatinag dahil nasa tabi niya si Ate Maristella, takot 'yan kay Ate Maristella, eh.
"Lagot ka sa 'kin," walang boses na saad nito bago tumalikod.
Napailing iling lamang ako at pumikit. Bahala siya sa buhay niya, deadma muna siya sa 'kin. Kakampi ko kaya ang bebe loves niya.
BINABASA MO ANG
Devil's Smirk
Roman d'amourShe blackmailed him. Because of Zaem's secret, he could do nothing but support Parsia's luxuries. They are always cat and dog to each other. But just when they started falling for each other, they suddenly realize that they are not good for each oth...
