chapter 1

11K 314 58
                                    









Unedited...








"Boss, maiwan na kita?" tanong ni Benjo nang magpark sila ng sasakyan.

"Sure ka na hindi ka na sasama?" tanong niya sa assistant.

"Yes, boss. Magkikita kami ng barkada ko dahil kakarating lang din dito sa Europe," sagot ni Benjo.

"Sige. Ingat ka," sabi niya. Bumaba si Benjo pero nanatili muna siya sa loob ng gray rolls-royce na sasakyan at tinawagan ang pinsan sa Pinas para ipaalam na nandito na siya sa Segovia.

"Really?" bulalas nito nang makausap siya. "Sayang, hindi na tayo magkasama." nakalabing sabi nito.

"Alagaan mo na lang ang anak mo at kapag may time ka, bisitahin mo ako rito," sabi niya.

"Ay, sige. Sige. Basta libre mo na kami sa lahat ng travel natin sa Europe ha," excited na sabi nito.

"Sure a. Basta bawal ang expensive na bags and shoes ha," nakangiting sabi niya at napasulyap sa babaeng nasa labas ng sasakyan na tila nagsasalamin.

"Uy, malay mo, hindi ka na uuwi ng Pinas tapos diyan ka na sa Europe mag-stay. Ayieee. Baka nandiyan ang forever mo," tukso nito.

"Tigilan mo 'ko," saway niya na walang ganang pag-usapan ang lovelife. Naiinis na siya sa babaeng nasa harap. Mukhang bata pa ito dahil ang iksi ng buhok, hindi naman katangkaran at mukhang dalagita pa ang mukha. Sa tingin niya ay asian ito dahil medyo singkit ang mga mata.

"Sus, kunwari ka pa. Maghanap ka na kasi!" sabi nito. "Wag mo nang isipin ang wala mong kwentang ex!"

"Oh, please. Ayaw ko nang pag-usapan," pagsuko niya na bubuksan na sana ang bintana para magising ang babae sa labas pero pinigilan niya ang sarili at pinagmasdan ito. "Psh! Nagpapansin!" bulong niya.

"Oh sige na, umiyak na ang anak ko. Bye na, cousin. Good luck sa company mo!" paalam nito at tinapos ang tawag.

Nang mapasulyap siya sa labas, nakatalikod na ang babae at naglakad palayo sa kanya at nakisabay sa mga tao.

Bumaba siya at naglakad patungo sa Aqueduct. Maganda ang panahon dahil pa-summer na dito sa Europe.

Habang palapit sa Aqueduct, hindi niya mapigilang mamangha. Hanggang ngayon, hindi pa rin nya maisip kung paano nagawa ng mga tao noon ang ganito kagandang tanawin lalo na't gawa itong tulay sa bato.

Isinuot niya ang shades at naupo sa bato sa ilalim nitong aquaduct at tiningala ito para magmuni-muni.

Nandito siya sa Europe para hawakan ang kompanya ng kanilang pamilya dahil busy ang ama niya sa Pilipinas pero ang pangunahing rason kung bakit tinanggap niya ang project na ito ay para makaiwas sa nakaraan at sa panloloko ng babaeng nirespeto niya at inalagaan ng mahabang panahon pero hindi niya akalaing lolokohin lang pala siya nito.

"Excuse me," sabi ng babaeng lumapit sa kanya kaya napatingin siya rito. Ito ang babaeng nasa tapat ng sasakyan niya kanina. Hindi nga siya nagkakamali, mukhang social climber ito. Siguro nakita nito na bumaba siya sa sasakyan kaya sinundan siya nito. "Kababayan?"

"What you want?" pikong tanong niya. Sanay na siya sa ganitong babae sa Pinas pa lang.

"Pwede bang pa-picture?" pakiusap nito at inabot ang Iphone na cellphone. "Please."

Kinuha niya ang cellphone at kinuhaan ito ng litrato. Posing palang ay ang arte na.

"Thank you po, kuya," nakangiting pasalamat niya. Actually, nilapitan niya ito dahil malakas ang kutob niyang pinoy rin ito. Lahat naman ng pinoy ay magkakaibigan kapag first day pa lang na nagkita rito sa abroad. "May kasama ka po?"

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon