Unedited...
"Saan ka ba kumuha ng lighter mo?" tanong ni Elias nang medyo kumalma na ang dalaga.
"Hiniram sa guard," sagot niya. Nang hindi siya payagan ng secretary nito, kalmado siyang lumapit sa guard at nanghiram ng lighter. Akala nito ay naninigarilyo rin siya kaya pinahiram siya nito.
"At paano mo naman masusunog ang opisina sa isang lighter?" tanong ni Elias.
"Gusto mo ipakita ko sa 'yo?" tanong na sagot ng dalaga kaya napangiti si Elias.
"Wag na," ani Elias. "Nag-lunch ka na ba? Tara sa cafeteria."
"Ayoko! Naiinis ako sa 'yo. Ayaw mo 'kong makita," nakalabing sabi niya. Na-highblood talaga siya nang marinig niyang ayaw raw siyang makita ni Elias.
"Hey," ani Elias at tumabi sa dalaga saka inakbayan. "Sorry na ha. Ano ang gusto mong kainin? Bilhin ko," tanong niya nang makabawi man lang at maibsan ang pagtatampo nito.
"Wala! Basta naiinis pa rin ako sa 'yo!" Buti na lang dahil normal naman ang vital signs niya nang i-check siya ng company nurse.
Nang may kumatok, tumayo si Elias at pinagbuksan ito.
"Mom," sabi niya nang makita si Tasha na nakatayo sa tapat ng pinto. "Hey, hindi ka nagpasabi na pupunta ka." Humalik siya sa pisngi nito.
"Kailangan pa ba kitang pagsabihan eh, kompanya rin ng asawa ko 'to?" mataray na tanong ni Tasha saka pumasok pero napatigil nang makita si Madrid.
Firstime nilang magkita ng babae sa personal. Naririnig lang niya ang pangalan nito kapag magkwento sina Elias at Kaitlyn lalo na nang ipinaalam ni Elias na magpapakasal na ito pero sa isang Villafuerte.
"Hello po," bati ni Madrid saka tumayo at inilahad ang kanang kamay sa ginang. "Ako po si Madrid."
"Finally nagkita rin tayo," sabi ni Tasha at inabot ang kamay ng dalaga. "Mabuti naman at nagkakilala kayo ng anak ko."
"Business partners ho kami," ani Madrid na ngayon lang ata nakaramdam ng hiya at ilang. Kahit gaano siya katapang, pagdating sa nanay pala ng mahal niya eh, titiklop din siya.
"Oo nga pala. Salamat sa pagtulong kay Elias," sabi ni Tasha.
"Maupo kayo," sabat ni Elias na umaasang magiging smooth ang pagkilala ng dalawa. Mamayang gabi pa ang plan niyang isama si Madrid sa family dinner nila para pormal na ipakilala sana kaso tong dalawang babae eh, parehong hindi nagpasabing bibisita.
Sabay na naupo sa couch ang dalawa.
"Oh, I like your bag," puri ni Tasha nang makita ang white chanel bag ng dalaga.
"Thank you po, bigay ni Elias."
Napataas ang kanang kilay ni Tasha saka nilingon ang anak. Kung sabagay, giver naman talaga si Elias kahit na noon pa. Basta para sa mahal sa buhay, ibibigay nito hanggat kaya.
"Generous talaga ang anak ko," sabi ni Tasha. Afford naman niyang bumili ng lahat ng branded pero hindi lang niya inaasahang maunahan siya ng anak sa latest model ng Chanel.
"Mom, bakit ka ho napunta rito nang walang pasabi?" pag-iiba ni Elias ng usapan.
"Gusto ko lang kamustahin ang kompanya dahil ngayon lang sinabi ng magaling mong kapatid na ikaw na pala muna ang papalit sa kanya dahil gagala na naman siya."
"Okay lang ho, one week lang naman. Hayaan mo na muna siyang gumala hanggat hindi pa ako busy sa kasal namin," sabi ni Elias.
Ngumiti si Tasha. "Hindi ko inaasahang ikakasal ka pa. I thought makukulong ka na lang sa nangyari sa inyo ng—babaeng iyon." Lumingon siya kay Madrid. "Masaya ako dahil nakilala ka ng anak ko. Sa wakas magkakaapo na ako sa kanya. Umpisahan nyo na kayang gumawa?"
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...