Unedited...
"Kyah!" tili ni Madrid nang pumasok si Elias sa bathroom. "Get out!"
"Nakita ko na 'yan," sabi ni Elias at naghubad ng damit saka lumusong sa bathtub.
"Hey! Ano ba? Wag ka nga rito!" bugaw ng dalaga.
"Maliligo rin ako."
"Ayaw kitang makasabay."
"Kagabi lang parang hindi ikaw ang drive a," pilyong sabi ni Elias. "Sarap na sarap?"
"So? May reklamo ka?"
"Wala naman. Hey, madalas mong gawin yun ha," sabi ni Elias.
"Alis na!" pagtataboy niya sabay suntok sa katawan ng binata pero dumudulas ang kamay dahil sa mabulang bathsoap. "Isa!"
"Okay," ani Elias. "Para kang naglilihi. Masyado kang—" natigilan siya at hinarap ang dalaga. "Wala ka nang menstruation."
"So?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Madrid. "Hindi va pwedeng tapos na?"
"Two days ka lang?"
"Nung isang araw pa tapos!" sabi ni Madrid. "Alis na?"
"Fine," pagpayag ni Elias at tumayo. Ni hindi man lang inalintana ang hubad na katawan.
"Psh! Nakakabwesit!" bulong ni Madrid at napasulyap kay Elias na naliligo sa ilalim ng shower. Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng mga hita nito. Pinigilan niya ang sariling lumapit para hawakan ito. Hinimas niya ang tiyan at napapikit. Ang weird niya. She loves fucking him pero naiinis siyang makatabi ito. Basta bwesit sya mula nang hindi ito naniwala na buntis siya.
Naunang matapos maligo si Elias. Paglabas niya ng banyo ay nagluluto na ito kaya nagbihis na muna siya.
"Breakfast is ready. Kain na tayo," yaya ni Elias nang pumasok si Madrid sa dining room.
"Hindi ka ba uuwi?"
"Sasabay na ako sa paghatid kina Kaitlyn mamaya. Kain muna tayo."
Napansin ni Madrid na iba na ang suot nitong damit.
"Saan ka kumuha ng damit mo?"
"May extra akong damit sa sasakyan," sabi ni Elias at inayos ang plato. "Kain na."
Naupo si Madrid at kumain ng inihanda nitong ulam. Tortang talong at ginisang ampalaya.
"Kain ka pa." Napapansin ni Elias na kaunti lang ang kain ni Madrid kaya inalok pa niya to ng kanin.
"Wala na akong gana!" sagot ni Madrid at tumayo. "Salamat sa paghanda." Iniwan niya si Elias.
"Ano ba ang problema niya?" bulong ni Elias at tinapos ang pagkain. Nang maligpit na niya ang pinagkainan, nanood muna siya ng TV sa sala.
"Alis na tayo," sabi niya nang lumabas si Madrid. Walang pasabing lumabas ang dalaga kaya pinatay ni Elias ang TV at dali-daling sinundan si Madrid patungo sa kotse niya.
Siya na ang nagmaneho habang si Madrid ay sa backseat naupo.
"Hindi ka ba tatabi sa akin? Dito ka na sa fronseat ah."
"Ayokong makatabi ka," prangkang sagot ng dalaga.
"Ayaw? Ano ba ang problema mo, Madrid? Okay naman tayo kagabi ah."
"Wala akong problema," sagot ng dalaga at inilagay ang headset para ipaalam sa binatang ayaw niya itong makausap. Napabuntonghininga si Elias at nagmaneho patungo sa bahay nina Madrid para sunduin ang mag-asawa. Inilagay muna nila ang gamit sa pumasok.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...