10

4.3K 226 32
                                    







Unedited...








Dahil sa sarap ng tulog, late na siyang nagising pero hindi naman siya nagmamadaling mag-ayos. Naligo muna siya at nagbihis. Wala na si Elias nang magising siya. Sabi ni Shiela, nasa opisina na raw ito.

"Oh no!" reklamo niya dahil kahit na anong kuskos niya at lagay ng foundation ay hindi pa rin matatakpan ang kissmark sa leeg niya. "Ugh! I hate you, Elias!" inis na sabi niya. Nagmukha kasi siyang tanga kagabi dahil tinulugan siya nito matapos lagyan ng birthmark.

Narinig niya ang pagkulo ng tubig kaya dali-dali siyang tumungo sa kusina at nilagay ang mushroom dahil gagawa siya ng mushroom soup dahil alam niyang may hangover pa si Elias.

Sakto paglabas nya ay nasa tapat na ng apartment ang driver. Magpapahatid siya ngayon para mabilis ang byahe.

"Manong, nandoon ba si Kuya?"

"Wala madam," sagot ng driver.

"Alam mo ba kung saan siya?"

"Nasa Italy ho yata, madam."

Pinagkatiwalaan nila ang driver na ito dahil mula nang bata pa sila, nagtatrabaho na ito sa kanila.

"Okay po," sagot niya. Malamang business na naman ang ipinunta ng kuya niya sa Italy. Single pa ang kuya niya at mukhang malabong mag-asawa. Why? Because he doesn't want to. Masyadong ilap ito sa mga tao na para bang may nakakahawa siyang sakit.

Pagdating, dumiretso si Madrid sa opisina ni Elias.

"Morning," bati ng dalaga sabay lapag ng thumbler sa harapan ng binata.

"Ano 'yan?"

"Mushroom soup."

"Busog pa ako."

"Alam kong may hangover ka pa!" ani Madrid.

"Wala na."

"Yes, you have!" giit ng dalaga. "After what you did last night, uminom ka ng soup habang mainit pa!"

"Fine. Ilagay mo lang diyan at iinumin ko mamaya," pagpayag ni Elias saka muling itinuon ang tingin sa mga binabasa.

"Are you sure?"

"Oo nga." Tumingala siya sa dalaga at napatingin sa kissmark. Agad namang tinakpan ni Madrid nang mapansin ang tingin ng binata. "I'm sorry about that. I was too drunk kaya hindi ko na alam ang pinaggagawa ko."

"Sumuka ka."

"I know. Ganun din naman ang ginagawa mo sa tuwing malasing ka," wika ni Elias.

"Whatever!" she rolled her eyes. "Basta kainin mo ang mushroom soup ko."

Nagmartsa na siya palabas kaya agad na kinuha ni Elias ang thumbler nang maisara ni Madrid ang pinto. Tatayo na sana siya nang muling bumukas ang pinto.

"Boss, sorry kung late ako," paumanhin ni Benjo. Napasulyap si Elias sa relo, alas dies na ng umaga pero ngayon lang ito dumating.

"Bakit? Anong oras na kayo umuwi kagabi?" tanong niya. Ang paalam nito ay birthday ng kaibigan kaya maaga pa niyang pinauwi.

"Mag-aalas dos na, boss. Napasarap ang kwentuhan eh," sagot ni Benjo at napakamot sa ulo. "Medyo masakit pa nga ang ulo ko pero pinilit ko pong pumasok para sa 'yo, boss." Mabait naman si Elias at nakapagpaalam na siya kahapon na baka mag-halfday siya ngayon pero sinubukan pa rin niyang pumasok nang maaga.

"Okay lang," tugon ni Elias. "Pero mukhang may hangover ka pa nga. Magpahinga ka muna tapos mamaya after lunch ka na bumalik. Busy pa naman ako."

"Sure ka, boss?"

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon