40

5.7K 271 34
                                    










Unedited...







"Labas!" pagtataboy ni Madrid nang pumasok si Elias sabay hagis ng unan.

"Can we talk?" tanong ng binata. "Yung mahinahon at masinsinang pag-uusap."

"Ayoko!" sagot ng dalaga. "Nagbibigay ka ng stress sa amin ni Baby."

"Bakit naman kasi ninyo ako pinagpustahan?" tanong ni Elias at naupo sa gilid ng kama.

"Bakit ako ang sisihin mo? Tanong mo sa pinsan mo."

"Please, gusto kong malaman ang totoo," pakiusap ni Elias kaya naupo sa kama si Madrid saka napabuntonghininga. Kahit na inis na inis siya, hindi naman talaga siya sobrang manhid. Slight lang. Sinusubukan naman niyang magpigil at unawain si Elias kasi alam niyang nasasaktan siya pero may masama pa rin talagang demonyo na nagbubulong sa kanya na pahirapan ito, galitin at inisin at kakampi ng budhi niya ang demonyong iyon. Ewan. Nawawala ang katinuan niya.

"Hindi mo nga ako tinatabihan eh!" inis na sagot niya. "Tapos maiinis ka sa akin? May pangangailangan din naman ako ah. Kapag tanungin nila kung bakit ayaw ko nang magpakasal, sexual abstinence talaga ang sasabihin ko!"

"Explain mo muna," sabi ni Elias.

"Ayoko!"

"Eh di walang sex."

"Paki ko? Bili ako ng vibrator!" sagot ni Madrid kaya napanganga si Elias. "Oh? Alam mo ba kung bakit marami ang walang asawa sa Europe o matanda na, hindi pa nag-aasawa? Kasi mas pinipili ng mga babaeng gamitin ang sex toy kaysa sa lalaki! Kala mo ha. Halos lahat ng babae sa Europe may sextoy!"

"Hindi ka ba nahihiya?"

"Ba't ako mahihiya? Sasabihin ko lang naman na ayaw mo kaya may sextoy ako!" sagot ni Madrid.

"Madrid naman, explain mo lang sa akin kung ano ba talaga ang puno't dulo nito at subukan kong unawain," pakiusap niya. "Tapos lahat ng gusto mo, gawin na natin."

"Ayoko nga!" tanggi ni Madrid pero napahampas sa unan. "Fine!" pagbawi niya saka nagsimulang magkwento.



Flashback....

"Kumusta?" tanong ni Kaitlyn habang ka-videocall si Madrid dahil gusto nitong makita ang pamangkin.

"Okay lang. Oh, hi, Ponkan. Pretty naman ng baby namin, mana kay Tita," puri ni Madrid. "Kamukha siya ni Tito White."

"Wag naman sanang magmana ang pagiging maselan," biro ni Kaitlyn dahil alam naman nilang oc-oc ang ama ni Orange pero huwarang ama at guro ito sa Nueva Vizcaya.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Madrid. "But ang pogi talaga ni Tito White kahit na sa kanilang magpinsan, siya ang may pagkasuplado."

"By the way, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Kaitlyn.

"Syempre wala!" sagot ni Madrid and rolled her eyes. "Hindi ko kailangan ang mga lalaki."

"Sus, nasabi mo lang 'yan dahil bata ka pa," ani Kaitlyn.

"Bakit? May irereto ka ba?" tanong ni Madrid.

"Oo, may pinsan ako."

"Syempre pangit," biro ni Madrid.

"Uy! Pogi kaya ng pinsan ko," sabi ni Kaitlyn. "May pagkaseryoso lang pero pogi siya at mabait. Broken hearted nga 'yun dahil niloko ng girlfriend."

"Ay, second option lang ako kapag nagkataon. Pero syempre ganda ko kaya hindi niya ako matanggihan," may pagkamayabang na sabi ni Madrid.

"Talaga lang ha?"

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon