6

3.6K 215 31
                                    








Unedited...







"Kumusta kayo?" masiglang tanong ni Madrid nang pumasok sa isang silid na kung saan, may mga pilipinong nagtitipon-tipon.

"Okay lang, ganda," nakangiting sagot ng ginang.

Isa-isang inilapag ng mga kasama ang pagkaing inihanda nila. Samahan ito ng mga pinoy rito sa Madrid na naglalayon na matulungan ang kapwa-pinoy na nawalan ng trabaho o gustong umuwi ng Pilipinas pero walang sapat na dokumentong maipakita.

"Kain na ho tayo. Pasensya na kung late na kaming dumating," paumanhin niya saka kumuha rin ng paperplate para makikain.

"Shiela, kain ka na rin. Alam kong hindi ka nagbe-breakfast," yaya ni Madrid.

"Uy, artista ba sya?" tanong ng isang pinay na nakatingin sa pintuan.

"Guwapo!" puri ng isa kaya napatingin si Madrid dito. Namilog ang mga mata niya nang makita si Elias.

"Ano ang ginagawa niya rito?" bulong niya kay Shiela.

"Hindi ko rin alam, madam," sagot ni Shiela.

"Buenas tardes (magandang hapon) kababayan," bati ni Benjo kaya napatingin sila rito. "Si Sir Elias pala, siya ang bagong may-ari ng building na ito," pagpakilala nito.

"Salamat naman at pinoy rin pala ang may-ari ng building na ito," masiglang pasalamat ni Gina dahil pinapaalis na sila ng dating may-ari pero ang alam niya ay napipigilan lang ng tumutulong sa kanila.

"Elias," tawag ni Madrid at nilapitan ang binata. "Bakit nandito ka?"

"Narinig mo naman ang sinabi ni Benjo, 'di ba?" sagot ng binata. Noong isang taon lang nabili ng ama niya ang building na ito at balak daw nitong gawing hotel pero nahihirapan silang paalisin ang mga pinoy na naninirahan dito.

"Ikaw ang nakabili? Ibig sabihin, hindi na sila aalis!" masiglang sabi ng dalaga.

"Sino ang nagsabing hindi na sila aalis? Alam kong balak gawin na hotel ang building na ito."

Napasimangot si Madrid.

"Wala ka ba talagang puso? Pilipino rin sila!"

"Alam mo ba kung bakit marami ang hindi nagtatagumpay sa business?" mahinang tanong ng binata saka yumuko hanggang tainga ng dalaga. "Dahil sa awa." bulong nito.

Naikuyom ni Madrid ang kamao dahil sa galit.

"Paano mo nakakayang maging matigas sa kababayan natin?" mahina pero galit na tanong niya dahil ayaw niyang marinig siya ng mga ito.

"Lumipat sila. There is always a way kung gusto mo ang isang bagay."

"Hindi ako papayag!" madiing tanggi ng dalaga.

"Magkakilala kayo?" tanong ng lumapit sa kanila.

"Boyfriend ko siya!" nakangiting sagot ng dalaga sabay hawak sa bewang ng binata na ikinagulat nito. "And he's here to help us. Sabi niya tutulong siya sa inyo hanggang sa makahanap kayo ng trabaho o makauwi ng Pilipinas."

"Wow! Talaga?" bulalas ni Gina. "Ang bait naman ninyong magkasintahan. At ang pogi't maganda pa. Bagay kayo."

Napa-poker face si Elias.

"Gracias," pasalamat ni Madrid. "Kain ka muna, mi amor." Binigyan nya ng paperplate ang binata. "Wag mong sirain ang mood nila," bulong niya saka hinila si Elias sa mesa para kumuha ng pagkain. "Maiwan na muna kita, makipag-usap lang ako sa kanila. Enjoy!"

Kumuha si Elias pero lumpia at pansit lang. Lumapit siya kay Benjo na mag-isang kumakain sa table.

"What's going on?" seryosong tanong niya saka napatingin kay Madrid na masayang nakikipagkwentuhan sa kabilang table kasama ang mga pilipino. "Bakit nandito ang babaeng 'yan?"

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon