Unedited...
"Come in," sabi ng dalaga nang may kumatok.
"Hola," bati ni Elias nang pumasok. "Sasama ka?"
"Saan?"
"Magsisimba," sagot ng binata. "Pupunta lang sa church."
"Kailan ba?"
"Ngayon. May bisita kasi ako kaya gusto ko silang igala pero hindi ko alam kung saan pa ang galaan dito sa Madrid," sagot ni Elias.
"Tanong mo si Benjo, alam niya."
"May inutos ako sa kanya," sagot niya.
"Si Emma," suhestiyon ni Madrid. Ilang araw na siyang umiiwas kay Elias. Siguro dahil ayaw lang niyang makaabala pa siya sa binata at ayaw na rin naman niyang maalala pa ang nangyari sa kanila sa Paris.
"Busy sya sa department nila."
"Busy rin naman ako," wika ni Madrid.
"Come on, nangako na ako na sasama ka kaya please, hindi ko kabisado ang daan," pakiusap ni Elias.
"Ngayon na ba?" tanong niya.
"Yes. Si Shiela na lang ang paasikasuhin mo kapag may gusto ka pang gawin."
"Fine," napilitang pagpayag niya at inayos ang table saka kinuha ang sling bag. "Saan ang mga kasama mo?"
"Sa labas," sagot ni Elias.
Nang makalabas sila sa parking lot, napakunot ang noo ni Madrid dahil wala namang tao.
"Sa loob na sila ng sasakyan," ani Elias at pinagbuksan ng pinto ang dalaga sa front seat kaya pumasok si Madrid at agad na nilingon ang backseat.
"Hello!" masiglang bati ni Kaitlyn katabi si Orange na dala ang baby nila.
"Kyah! Kaitlyn!" tili niya at nag-hug kahit na may harang sa pagitan nila."Oh my gosh! Kelan pa kayo dumating? Hindi kayo nagpasabi."
"Surprise lang," ani Kaitlyn at napatingin kay Elias na pumasok at naglalagay ng seatbelt. "Si Elias ang pinagsabihan namin."
"Saan kayo tumutuloy?" tanong ng dalaga.
"Sa hotel na. Two weeks lang kami rito," sagot ni Kaitlyn.
"Buti at sumama ka, Orange," sabi ni Madrid sabay baling ng tingin sa pinsan.
"Of course, makulit si Kaitlyn e!" nakasimangot na sagot ni Orange habang kalong ang anak nila.
"Kayo lang? Wala kayong dalang yaya ng cute na baby ninyo?"
"Wala kasi na-deny ang visa nya," sagot ni Kaitlyn. "Pero okay lang, hands-on naman si Orange sa pag-alaga ng baby namin."
"Dapat lang, anak nyo yan eh," sabat ni Elias.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Orange. "Kaysa naman sa iba riyan na matagal na wala palang balak na magpaanak."
Pasimpleng siniko ni Kaitlyn ang asawa para sawayin ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ang iringan ng dalawa.
"Saan na tayo?" pag-iiba ni Elias na siyang nagmamaneho.
"Nagugutom ako," sabi ni Kaitlyn. "Kain muna tayo tapos gala sa simbahan."
"Okay. Saan n'yo ba gusto?" tanong ni Elias.
"Mcdo na lang. 'Yan lang naman ang pinakamalapit dito eh. Kahit saan basta makakain," sagot ni Kaitlyn.
"No, ayaw ko za Mcdo. Pass ako sa kanila. Nakakasawa na eh," madiing tanggi ni Madrid. "Sa iba na lang."
"Okay," pagpayag ni Kaitlyn. "Any suggestion?"
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...