Unedited...
"Hola, everyone," bati ni Elias habang hawak ang microphone. "First, thank you for coming. We are gathered here tonight to celebrate our sucess... Success not only in our lives but also in our company that was built by my family. And to my co-CEO who is also my girlfriend, Madrid," sabi niya saka hinarap si Madrid na nakatayo sa tabi niya. "thanks for the help and support especially during my match in Paris. You were there to encourage me so I was able to fight my fear and—" Sadyang binitin niya ang sasabihin at matamis na ngumiti habang nakipagtitigan sa dalaga na para bang may gustong ipahiwatig. "It was the best night of my life. I won not only a gold medal but a girlfriend as beautiful as you."
Naramdaman ni Madrid ang pag-init ng magkabilang pisngi niya. Nagsisi tuloy siya kung bakit nandito siya sa tabi ng binata.
"So friends, family and colleagues, let's enjoy the night." Kinuha niya ang 'taste of Madrid' at binuksan saka nagsalin sa wine glass. "aplausos por la victoria (Cheers for the victory)"
"Cheers!" sigawan nila na may kani-kanyang hawak ng wine glass na may laman ng taste of Madrid. Ito ang kauna-unahang release ng wine niya para sa ibang tao at bukas kasabay ng pagpalabas ng commercial ni Faith ay pag-out sa market ng wine nila pero as of now, limited lang dahil maliban sa pricey, kailangan din ng mahab-habang panahon para makagawa ng maramo dahil siya lang ang nakakaalam kung paano ito timplahin.
"Let's go sa table natin?" bulong ni Elias at hinawakan sa bewang si Madrid.
"Bakit ganoon ang sinabi mo?" bulong ng dalaga.
"Ano bang sinabi ko?"
"Hindi mo na kailangang banggitin na magkasintahan tayo."
"Totoo naman ah," ani Elias.
"Hindi ka ba nag-iisip? Nandito si Faith!"
"So?"
"Mas lalong malabong magkabalikan kayo sa pinagsasabi mo eh!"
"Sinong nagsabing gusto kong makipagbalikan?" Tiningala niya si Elias saka pinandilatan habang bumabalik sila sa table nila. "Tinanong kita kung ano ang sasabihin mo sabi mo bahala na ako."
"Akala ko ba matalino ka? Hindi ka ba nag-iisip?"
"Hindi kasi nasa tabi na kita," sagot ng binata.
"Elias naman! Hindi ako nakipagbiruan!"
"Ako rin," sagot niya saka hinila ang upuan ni Madrid para maupo. Nasa iisang table lang silang lahat.
"In fairness, sobrang sarap ng wine mo," sabi ni Orange matapos tikman ang wine.
"If you don't mind, could you tell us what or who inspired you to make this wine?" tanong ni Emma kaya napatingin silang lahat kay Elias. "How true is it that your girlfriend was your inspiration?"
"Ex-girlfriend!" pagtatama ni Kaitlyn na kulang na lang ay tumawag ng security para palabasin ang atribitang si Emma.
"Yes, it's true that I want to make wine for my ex-girlfriend, but that was a long time ago," mahinahong sagot ni Elias na ayaw nang dumagdag pa dahil nandito si Faith at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao.
"Come on, guys!" sabat ni Orange na bored na. "Let's change the topic. Let's not talk about the past because the important thing is the present."
"Yeah. So cheers again!" pagsang-ayon ni Kaitlyn.
Tahimik lang si Madrid dahil hindi niya alam ang sasabihin.
"Guys, let's watch the commercial video of taste of Madrid!" masiglang sabi ni Emma at binuksan ang VTR na ginawa kani-kanina lang at kakatapos lang ma-edit."

BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...