Unedited...
Pagmulat niya, napahawak siya sa sumasakit na ulo. Muli niyang ipinikit ang mga mata at niyakap ang malambot na unan pero ramdam niyang medyo matigas ito. Medyo mainit-init at mabango rin kaya mas lalong masarap yakapin.
Napamulat siya nang gumalaw ito.
"Kyaaaah!" malakas na tili niya nang pagtingala niya ay si Elias ang nasilayan na nakatunghay sa kanya.
"Ganyan ka ba manggising sa umaga?'
"Oh my!" aniya nang mapansing wala siyang saplot. "W—We... we..." hindi niya alam kung paano niya sasabihin.
"We slept!" dugtong ng binata at inalis ang kumot. Namilog ang mga mata ni Madrid nang makitang topless ang binata pero may boxer shorts naman ito. "Stop looking at me na para bang ngayon ka lang nakakita ng lalaking nakahubad."
"D—Did we—do something?"
Tumayo si Elias at yumuko sa kanya kaya napasiksik siya sa headboard ng kama.
"Should I remind you?" sarcastic na wika ni Elias kaya napanganga si Madrid. Pinasadayan ni Elias ng tingin ang dalagang mahigpit ang pagkahawak sa kumot na nakatakip sa katawan. Sa dami na siguro ng lalaking inuuwi, malamang walang epekto rito kung may nangyari man sa kanila o wala.
"I—I'm sorry, I was drunk," paumanhin niya na gustong bitayin ang sarili. Masakit ang balakang niya kaya malamang, may nangyari nga sa kanila.
"Ganito ka ba lagi?" tanong ng binata habang nagbibihis ng damit.
"A—Anong ganito?"
"Na kung sino-sinong lalaki ang isinasama mo sa bahay mo para matulog?"
"What?" bulalas ng dalaga. "Kapal mo! You were my first kaya dapat alam mo na walang iba kundi ikaw lang!"
Salubong ang mga kilay na hinarap ni Elias ang dalaga.
"Are you trying to put the blame on me?" asik ng binata.
"Wala akong sinabi. Ang sabi ko lang dapat alam mo na walang ibang lalaki—"
"Nothing happened!" agad na sabi ni Elias. "Stop hallucinating!"
"Eh bakit nakahubad ako at masakit ang buong katawan ko?"
"Alalahanin mo!" sabi ni Elias kaya sinubukan niyang maalala ang nangyari kagabi.
"Oh, my!" aniya saka nagtakip ng kumot. Nadulas siya sa bathroom kagabi at kahit anong gawin ng binata, ayaw niyang magsuot ng damit. Pinahubad pa nga niya rito ang suot nito para pareho silang walang saplot.
"Ngayon naalala mo na?"
"Aray!" daing ni Madrid sabay hawak sa ulo. "W—Wala talaga akong maalala eh. Siguro sa sobrang kalasingan." Alangan naman aamin siya? Mas safe ata kapag magkunwari siyang walang maalala.
"Nevermind!" pikong sabi ng binata ng tumungo sa banyo saka naligo. Paglabas niya, nasa kusina na si Kaitlyn na nagluluto ng breakfast.
"Dito ka na muna kumain, nagluto ako ng sinabawang manok," sabi ng dalaga.
Sinuot ni Elias ang damit na bigay nito sa kanya kahapon.
"Nagsaing na ako. Maligo lang muna ako ha. Don't touch my tinola, hindi pa 'yan tapos," sabi ng dalaga saka tumungo sa bathroom upang maligo. Paglabas niya, saktong malambot na ang manok kaya inilagay na niya ang sahog.
"I'm done. Let's eat," sabi niya saka inilagay ang niluto sa mesa. Naupo si Elias at nilagyan ng kanin ang plato. At least marunong naman palang magluto ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...