34

4.3K 257 40
                                    












Unedited...








"Morning," bati ni Elias nang magmulat si Madrid.

"Aalis ka na?"

"Breakfast muna tayo," sabi ni Elias.

Tumayo si Madrid kaya lumantad ang hubad nitong katawan kay Elias.

"Maligo lang ako," sabi ni Madrid. "Sama ako sa 'yo."

"Sige."

"Doon na ako magche-check ng sa kasal natin. Papuntahin ko na lang ang organizer mamaya."

Naligo na siya sa shower room at nang matapos ay lumabas sa dining room at nag-breakfast kasama si Elias.

"Hintayin na kita rito," sabi ni Elias nang matapos silang kumain. Sya na rin ang nagligpit habang si Madrid ay nagbibihis.

Nang makabihis ang dalaga, pumunta na sila sa opisina. Pagpasok pa lang, agad na sila sinalubong ng mga mata na para bang sila ang ulam sa inihandang kanin ng mga ito.

"Anyare sa mga empleyado mo?" tanong ng dalaga.

"Hindi ko alam. Ano ba?" inosenteng sagot ni Elias.

"Wala lang, parang may nagawa akong masama kung makatingin e."

Ngumiti si Elias saka inakbayan ang dalaga. "Syempre susunugin mo ba naman ang opisina ko kahapon."

"Hmp! Nakakainis kasi sila!" sabi ni Madrid.

"Morning, sir," bati ng tatlong empleyadong nakasalubong.

"Morning," sagot ni Elias at nginitian ang mga ito. Natigilan pa sila dahil sa pagngiti ng boss dahil hindi naman nito ginagawa noon.

Pinindot ni Elias ang elevator. Bumukas ito kaya pinauna niyang pinapasok ang dalaga saka sumunod siya.

"Busy ka ba mamaya?" nakatingalang tanong ni Madrid saka humarap sa binata at niyakap ito sa bewang.

"Bakit? May gagawin ka ba?" tanong ni Elias na nakipagtitigan sa dalaga.

"Wala naman. Baka kasi hindi mo ako pansinin sa loob ng office mo," sagot niya.

"May meeting ako after an hour pero mabilis lang yun kaya maiwan na muna kita mamaya sa office," sagot ng binata.

"Sama ako. Gusto kong makinig sa meeting ninyo."

"Wag na, ma-bore ka lang."

"Kasi nandoon si Faith mo?" tumaas ang kanang kilay na tanong ng dalaga kaya lumapad ang mga ngiti ni Elias. "Eh? Stop smiling!"

"Wala po sya pero sige, sama ka na," pagpayag ng binata na inaalala lang naman si Madrid dahil baka mainip ito.

"Napilitan ka lang?" nagtatampong tanong niya.

"Of course not. Sama ka na."

Bumukas ang elevator kaya napahiwalay ang dalaga lalo na't may napalingon sa kanila.

Nakabuntot si Elias kay Madrid nang pumasok ito sa office nila.

"Hindi na lang pala ako sasama dahil papuntahin ko ang wedding organizer and planner dito," pagbawi ng dalaga.

"Ikaw ang bahala pero wala si Faith doon, okay?" Inilapag ni Elias ang pinadalang bag ni Madrid sa ibabaw ng mesa.

"Okay," sagot ni Madrid at ngumiti. Naupo siya at binuksan ang bag at inilabas ang mga gusto niya sa kasal. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang planner and organizer para pumunta na rito.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon