Unedited...
"What? Si Faith ang model ng taste of Madrid?" bulalas ni Kaitlyn habang kumakain sila sa Viva Madrid ng lunch. "Bakit ka pumayag?"
"Why? Bagay naman sa kanya dahil sakanya naman inspired. Isa pa, si Emma ang pumili sa kanya," sagot ni Madrid.
"Si Emma? Eh, pinsan niya 'yun eh!" ani Kaitlyn. "Bakit pumayag si Elias?"
"Kasi baliw siya," sabat ni Orange. "May sayad na sa utak ang pinsan mo. Patingin mo sa albularyo dahil baka nakulam na 'yan!"
"Ako ang pumirma sa kontrata," depensa ni Madrid. "Kahapon lang niya nalaman na si Faith ang model."
"Hell, no! Bakit ka pumayag? At talagang lumipad siya patungo rito sa Spain para mag-model? Para ano? Para utuin naman ang pinsan ko? Never!"
"Kahit anong advice ko sa pinsan mo, hindi 'yan makikinig sa 'yo. First love niya 'yan eh," sabi ni Orange.
Kinuha ni Madrid ang white wine at ininom dahil gusto niyang malasahan ang pait at tamis nito. Oo nga naman, first love 'yun ni Elias at kahit na ipaglaban pa niya ang nangyari sa kanila, magiging talunan na siya. Dapat hindi niya bibigyan ang sarili ng pagkakataong umasa.
"Eh ano kung first love? Niloko lang siya, ano!" inis na sabi ni Kaitlyn. "Saan sila ngayon?"
"Ewan," sagot ni Madrid.
"Wait, I'll chat her," sabi ni Kaitlyn at kinuha ang cellphone ng asawa.
"Hey. Ano na naman gagawin mo sa Instagram ko?"
"I'll chat her," sabi ni Kaitlyn dahil naka-block si Faith sa account niya. Friends sila ni Faith noon. Super close ito sa family nila dahil maliban sa kanya, si Faith lang din ang nakakausap at nakakagaanan ng loob ni Elias kaya sobrang boto sila noon kay Faith. Sino naman ang mag-aakalang sa loob pala ang kulo nito?
"Hello?" sabi ni Kaitlyn. "Where are you? Can we meet?" Pinakinggan niya ang kausap sa kabilang linya. "No. I mean now?" mataray na sabi niya. "Okay. Puntahan ka namin diyan sa hotel." Tinapos niya ang tawag at hinarap sina Orange. "Let's go! Magbayad ka na, Orange."
"Saang hotel siya?" tanong ni Madrid habang nagbabayad si Orange ng bill.
"Ingles hotel," sagot ni Kaitlyn. Nasa center ito ng Madrid kaya madali lang hanapin kapag maglakad-lakad ka sa center. "Dami namang hotel bakit sa hotel Ingles pa?"
"Kasi nandoon nagtalumpati si Rizal para parangalan si Juan Luna sa pagkapanalo nito ng gintong medalya sa gawa niyang Spolarium at pangatlo naman si Felix Hidalgo sa ginuhit niyang Las Virgenes christianas," sagot ni Madrid. Kaya ang dami ring pilipinong bumibisita sa hotel.
"Okay. Tapos ka nang magbayad, Orange? Let's go!" yaya ni Kaitlyn.
Iniwan nila si Ponkan sa bahay nila at pinabantayan sa pinay na katulong.
Si Madrid ang nag-drive patungo sa Hotel Ingles. Pagkapasok nila, saktong palabas na si Faith kasama ang manager.
"Bakit magkasama ang dalawa?" gigil na tanong ni Kaitlyn nang makita si Elias sa likuran nila.
"Hi," tila isang dalagang bati nito na nakasuot ng white dress.
"Can we talk?" tanong ni Kaitlyn at masamang tiningnan si Elias. "Bakit nandito ka rin?"
"Pinapunta ako ni Emma dahil ang akala ko ay may business meeting daw si Faith dito. Kakarating ko lang," sagot ni Elias.
"Anong business meeting?" sabat ni Madrid.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...