19

4.2K 248 52
                                    












Unedited...










"Ni hindi mo man lang sinamahan sina Kaitlyn doon," inis na sabi ni Madrid nang papasok na sila sa company building.

"Hindi naman natin sila kasamang pumunta roon. Tayo ang magkasama kaya tayo ang magsabay umuwi," depensa ni Elias.

"Eh di sana nagpaiwan ka."

"Ayoko nga. Gusto ko sa 'yo sumama," tanggi ni Elias.

"Hindi kita gustong makasama."

"Sinundo kita sa Palacio real para makasamang mag-lunch."

"Hindi mo ako sinundo, sapilitan mo akong kinuha roon!"

"Eh sa ayaw mong sumama eh," pagdadahilan ni Elias na salubong na rin ang kilay.

"Sana si Faith ang kinuha mo."

"Sino ang papalit sa photoshoot, ikaw?" Tumigil si Elias sa unahan ng dalaga at hinarangan ito.

"Tabi, Elias!"

"Makinig ka muna sa akin, okay? Hindi si Faith ang ipinunta ko roon kundi ikaw dahil gusto kitang yayaing mag-lunch at yung flowers na 'yun, sa 'yo talaga yun. Di ba sabi ko kahapon na roses ang gusto ni Faith? May card pa nga na sa 'yo ang nakasulat e. At hindi ko inabot sa kanya. Kusa niyang kinuha sa kamay ko. At yung sabi mong hindi ako nagtatanggap ng phonecalls, dahil ayaw kong may istorbo sa atin. Hindi ko naman akalain na tatawag ka eh."

"Bakit ako?"

"Eh ikaw naman ang girlfriend ko," ani Elias.

"Fake lang naman tayo."

"Got it. Kaya nga may flowers ako para ligawan kita," sabi ni Elias na ikinataas ng kilay ni Madrid. "Let's give it a try."

"Ayoko maging trial and error mo!" tanggi ni Madrid. Try? Tapos kapag hindi mag-work at ma-realize nito na mahal pa nito si Faith, kawawa siya? No! Mas mabuting maging safe kaysa sumugal. Hirap makalaban ang first love dahil kahit gaano pa kalaki ang pagkakamali nito, mabubulag pa rin si Elias sa pagmamahal kay Faith.

"Try yung relationship but it doesn't mean naman na failure na agad. Bago pa man tayo maging error, gawin naman natin ang lahat para maging successful."

"Businessman ka nga!" napailing na sabi ng dalaga.

"I don't fucking care about money, Madrid. With or without this wine company, we can survive! We have the biggest mining company in Africa at stable na rin ang company ng mga Arguela." Of course, siya ang heredero ng kompanya ng kanyang ama.

"Mayabang ka rin, ano?" pikong sabi ni Madrid. Ang pinakaayaw niya ay ang sinasampal ng kayamanan ng mga nanliligaw sa kanya.

"Ipinapaliwanag ko lang sa 'yo na hindi pera ang habol ko. We are physically attracted naman sa isa't isa kaya—"

"I'm not! Hindi ako interesado sa katawan mo!"

"May nangyari na nga sa atin eh," mahinang wika ni Elias.

"So what?"

"Ba't ba sobrang hirap mong kausapin?" tanong ni Elias.

"Tabi! Gusto ko nang magpahinga sa office ko," sabi ng dalaga at nilampasan si Elias.

"Psh! Ang labong kausap ng babaeng 'to," bulong ni Elias na sumasakit ang ulo. Bakit ba napakakumplikado ni Madrid? Ang daming paliko-liko. Gaano ba kahirap sabihin na oo, subukan nila.

Nang pumasok siya sa opisina, agad na sinalubong siya ni Benjo.

"Boss."

"Bakit hindi mo sinabing tumawag si Madrid?"

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon