29

4.6K 251 49
                                    










Unedited..






"Morning," bati ni Elias habang nakatunghay kay Madrid na kakamulat lang ng mga mata.

"Ginagawa mo rito?"

"Gigisingin lang kita."

"Bakit? Hindi ba ako marunong magmulat?" tanong ni Madrid.

Kinuha ni Elias ang kamay niya at pinasuot ang singsing na gawa ng CA company sa kanyang daliri.

"Ano 'to?" tanong niya saka napatingin sa napakagandang singsing. Materyales pa lang, milyones na ang presyo.

"Pinagawa ko 'yan kay Lola Anika," sabi ni Elias. "Medyo natagalan lang kaya nauna ang pag-propose ko sa 'yo."

"Nag-propose ka na sa akin?"

"Oo," sagot ni Elias. "Yung nasa bahay ninyo."

"Hindi mo nga ako natanong kung gusto ko ba?"

"Mahalaga nakapaalam na ako sa parents mo," sabi ni Elias. "Do you like it?"

"Yes," sagot ng dalaga. "Pero hindi ko bet yung proposal mo."

"Uulitin ko na lang. Ano ba ang gusto mo at saan?" tanong ni Elias.

"Gosh! Wag na nga lang!" pikong sabi ng dalaga at tumayo at naglakad patungo sa banyo para mag-toothbrush. "Salamat sa singsing."

"Pwede bang pagplanuhan na natin ang kasal? Like, saan at kailan?" tanong ni Elias saka inabot sa dalaga ang toothpaste.

"Eh? Saka na."

"Lumalaki na ang tiyan mo eh," ani Elias dahil baka magbago pa ang isip ni Madrid. "Ayaw ko namang susuot ka ng gown na malaki ang tiyan pero kung yun ang gusto mo, okay lang."

Tinapos muna ni Madrid ang pagto-toothbrush saka hinarap ang binata.

"Ako naman ang susuot ng gown!" ani Madrid sabay irap. Ayaw nga niya. Syempre minsan lang ang kasal kaya dapat aawra siya at dapat elegant.

"Okay lang sa akin pero gusto ko na makasal na tayo agad," sabi ni Elias, baka kasi magbago pa ang isip ni Madrid.

"Okay. Pero gusto ko grand wedding. Gusto ko lahat ng pamilya ko ay nandoon, mapa Villafuerte man o Rodriguez." Ito ang pangarap niya noon pa, ang maranasan namang buo ang kanilang pamilya. Naiinggit siya sa mga pinsan na kapag ikasal ay kumpleto ang buong pamilya dahil nasa Pilipinas ang mga ito at talagang umuuwi sila. Samantalang kapag sila ang may party, iilan lang ang bumibisita sa kanila dahil hindi akma sa schedule at busy ang mga ito sa trabaho at pag-aaral kaya nahirapang pumunta ng Europe. Ang iba ay denied pa ang VISA o matagal i-release.

"Gusto mo sa Pinas na ang kasal?" tanong ni Elias.

"Okay lang ba?" tanong ng dalaga.

"Okay lang. Kahit saan at kahit kailan basta gusto mo," sabi ni Elias.

"Oh, really? Gusto ko sa Pilipinas," excited na sabi ni Madrid.

"Sige, doon na tayo magplano."

"Kaso ang negosyo—"

"Ako ang bahala," sabi ni Elias. "As long na gusto mo, may paraan diyan. Kung gusto mo, doon na tayo manirahan. Ipa-manage ko lang sa mapagkatiwalaang tao o di kaya sa kapatid ko tutal hindi naman na siya nag-aaral," sabi ni Elias. Nasa tamang edad naman ang kapatid niya kaya pwedeng ito na ang mangalaga muna ng negosyo nila rito sa Europa. Ang problema, may pagka-spoiled brat ito dahil daddy's girl.

"Paano yung project mo sa Italy?"

"May mas mahalaga pa ba kaysa sa kasal natin?"

"Ayaw ko namang mawala ang isa dahil sa kasal natin if we can do both," sabi ni Madrid.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon