42

7.9K 336 56
                                    

Thank you po sa lahat. Sana suportahan ninyo ang next story ni Rome.

"MAID IN ITALY"

"The best revenge is to show them that your life is better after they're gone."









Unedited...










"Are you ready?" tanong ni Kaitlyn nang pumasok.

"Yes kahit na kinakabahan," sagot ni Madrid at humarap.

"Wow! Oh my gosh! You're so pretty!" manghang sabi ni Kaitlyn.

"Am I?"

"Yes," sagot ni Kaitlyn at hinawakan sa mga kamay si Madrid tapos mahigpit na niyakap."Thank you so much, Madrid. Alam mong sobrang saya ako dahil ang saya na ng pinsan ko."

"Eh? Thank you kasi ang bait mo sa akin," nakangiting pasalamat ni Madrid at lumayo kay Kaitlyn.

"Welcome to the family!" masiglang sabi ni Kaitlyn.

"Hindi pa," ani Madrid.

"Oras na lang," ani Kaitlyn saka hinawakan ang kamay niya. "Let's go?"

"Yes," sagot ni Madrid at sumamang lumabas at sumakay sa bridal car patungo sa simbahan.

Pagdating doon, agad na sinalubong siya ni Elias.

"Madrid," ani Elias na kinakabahan dahil baka sumpungin si Madrid at hindi siya siputin.

"Elias," ani Madrid saka niyakap ang kasintahan.

"Oops, bawal muna ang yakapan uy!" sabi ni Orange kasama ang mga kapatid na team crayons.

"Himala, hindi ata naka-purple, green maroon, lavender at ibang kulay kayong magkapatid ah," natatawang sabi ni Madrid.

"Marunong naman kaming sumunod sa color coding," sabi ni Orange.

"Start na ang wedding ha," sabi ng organizer nang lumapit at pinag-aayos na sila ng pila. Syempre si Eliaza ang bridesmaid at ang kuya Rome naman niya ang bestman.

"Kuya, akala ko i-indian-in mo 'ko," sabi ni Madrid.

"Pwede ba 'yun?" tanong ni Rome at ngumiti. "Ikaw ang babygirl ko e. Kahit na hindi ako ang pinagawa mo ng gown mo."

"Alam kong magaling ka pero bet ko yung gawa ng family ni Elias eh," sagot niya kaya napailing si Rome.

Nagsimula nang magmarcha kaya umayos na sila.

Lumapit sina Dust at Angela sa anak at niyakap si Madrid.

"M—Mom..." naiiyak na sabi ni Madrid.

"Hush, wag kang umiyak. Mahaba pa ang araw," saway ni Angela.

"I—I'm sorry," paumanhin niya. Marami ang bisita nila at sobrang puno ang simbahan kaya may inilagay silang livestream dito sa labas para sa mga hindi makapasok. Lahat ay pamilya at bawal ang media.

"Don't be," ani Angela.

"Wag na kayong magdrama," nakangiting sabi ni Dust at napasulyap kay Angela. Sobrang ganda pa rin talaga ng asawa niya kaya nahulog ang loob niya rito kahit na bawal e. Hindi niya kayang ikinakasal ito sa iba noon kaya ipinaglaban na niya kahit na bawal.

"Tara na," yaya ni Angela at nagsimula nang maglakad kasama ang anak. Naluluha siya nang tumuntong sila sa red carpet matapos bumukas ang pinto para sa entrance nila. Ito ang pangarap nila ni Dust na ipinagkait ng tadhana kaya para na rin sila ang ikinakasal. They're married pero hindi nila magawa dito sa Pilipinas dahil sa issue. At ayaw niyang matulad ang mga anak sa kanila.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon