5

4.6K 233 27
                                    








Unedited...









"Kuya Orange, sino si Daniel?" tanong niya habang ka-videochat ang pinsan.

"Malay ko. Sino bang Daniel? Anong apelyido?"  tanong ni Orange habang nagluluto.

"Basta yung pinoy."

"Utang na loob, Madrid. Ang dami kong problema, dagdagan mo pa. Ang daming Daniel sa Pilipinas," sabi ni Orange na nilingon ang dumating na asawa.

"Oh, hi, Ate Kaitlyn," masiglang bati ni Madrid kaya kumaway si Kaitlyn.

"Kumusta ka, Madrid? Kailan ka magbakasyon dito?"

"Okay lang po. Kayo na lang ang magbakasyon dito sa Spain," suhestiyon ni Madrid.

"Sige, kapag hindi na busy," pagpasa ni Kaitlyn.

"By the way, Ate Kaitlyn. May kilala kang Daniel?"

"Sinong Daniel?"

"Ahm... ganito po kasi. I've met a guy kagabi and his name is Daniel. Ang sabi niya, model siya ng isa sa mga wine brands dito sa Spain kaso nang magkita sila ni Elias, medyo hindi okay. I mean hindi naman sila nagtalo but I can feel the tension," pagkukuwento niya.

"Daniel Borromeo ba?" tanong ni Kaitlyn.

"Oh, yes. Yes. Borromeo nga pala ang apelyido niya," sagot niya.

"Kakilala lang," ani Orange. "Wag mo nang intindihin, suplado naman talaga 'yang si Elias kahit kanino."

"Sure ka?"

"Yes. Basta umiwas ka na lang sa kanya kung ayaw mong masira ang araw mo," bilin ni Orange. "Sige na, masusunog na ang niluluto ko. Bye."

Napasimangot si Madrid nang putulin ng pinsan ang tawag.

"Ma'am, nandito ang dad mo," sabi ni Shiela nang pumasok kaya napatayo siya.

"dònde?/saan?" tanong niya.

"Sa office ni Sir Elias, pinapatawag ka niya."

"Okay," sabi niya at pumunta sa opisina ni Elias.

"Hola, buenas tardes/magandang hapon," bati niya sa dalawang nakaupo.

"Sit down," sabi ni Dust matapos humalik sa pisngi niya ang anak.

"Napadayo ka, dad?"

"May girlfriend ka na ba, Elias?" tanong ni Dust na ikinabigla ni Elias.

"Masyado hong personal ang tanong ninyo," walang emosyong sagot ng binata.

"Dad, nandoon lang sya sa tinutuluyan ko kasi nalasing nga ako. Wala po talagang namagitan sa amin," pag-amin ng dalaga. Ayaw naman niyang malagay sa alanganin si Elias dahil sa kapabayaan niya.

"Malaking client si Fernando at ang mga nasa wine tasting kagabi," ani Dust. "Ang alam nila ay magkasintahan kayo."

"I won't use your daughter to—" Elias.

"This is business. Kung gusto mong mapasok ang ibang bahagi ng Europa, kailangan mong sumakay sa issue. Bata pa lang si Madrid, kilala na siya ng mga ito lalo na ng Ninong Fernando niya.  Kapag itama ninyo ang nasa isip nila, hindi ba't mapasama ang imahe mo?" tanong ni Dust.

"Kung ano man ho ang plano ninyo, 'wag na po ninyong idamay si Madrid. Hindi po ako gumagamit ng ibang tao para mapaunlad ang negosyo ng pamilya ko."

"I am just saving my daughter's face. Ano na lang ang sasabihin ni Fernando kapag wala kayong relasyon pero nakikitulog ka sa bahay ng inaanak niya?" seryosong sabi ni Dust. "Ibibigay ko sa 'yo ang chance para makuha ang loob nila. Pagkatapos, malaya kayong aminin na magkaibigan lang kayo. As of now, nakuha mo ang loob nila kaya interesado sila sa 'yo."

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon