11

4.3K 241 64
                                    





Unedited...





"May kailangan ka?" tanong ni Madrid nang pumasok.

"Here. Tikman mo," sagot ng binata saka inabot ang isang kupeta sa dalaga na may red wine.

"Ano 'to?"

"Wine. Tikman mo kung masarap," sabi ng binata.

"Sa atin 'to galing?" tanong niya.

"Oo, tikman mo."

"Okay," game na sabi niya at kinuha at tinikman. "Hmmm... It tastes good. Uy, anong name nito? Ang sarap!"

"Wala pa yan sa market," sabi ni Elias. "Are you satisfied?"

"Yes. Bago?"

"Yeah," sagot ng binata na sya ang nag-timpla nito. Matagal na niya itong ginawa sa bahay niya pero ngayon lang niya nabuksan. "Hindi ako mahilig sa red wine pero this one is exception. Hindi siya mapakla at ang sarap. Hindi siya masyadong matamis."

"Good. Alam ko kasing hindi ka masyadong mahilig sa matamis," ani Elias na nakailang adjust pa ng lasa nito dahil alam niyang hindi mahilig si Madrid ng red wine.

"Thanks. I like it," sagot ni Madrid at ngumiti.

May kumatok kaya napatingin si Elias sa pinto. Pumasok si Emma.

"buen dià(good morning)," bati ni Emma at lumapit sa kanila. "Okay na ba ang wine?"

"Yes," sagot ni Elias at nilagyan ng wine ang isang kupeta saka inabot kay Emma.

"Thanks," pasalamat ni Emma at tinikman ang wine. "Hmmm... oh my ghad!" bulalas nito. "It's perfectly done!"

"Thank you, Emma," nakangiting pasalamat ng binata.

Pasimpleng napataas ang kilay ni Madrid sa kaartehan ni Emma pero alam niyang bwesit din ito sa kanya kaya wala siyang balak na lumabas.

"So, heto na ba ang wine na ginawa mo four years ago?"

"Yes," sagot ni Elias.

"So, kaya pala masarap kasi inspired ka nung ginawa mo ito. Shall we name this Faith wine? Since alam naman namin na inspired sa pinsan ko ang wine na 'to," natutuwang sabi ni Emma na halatang sinadyang banggitin ang pangalan ng pinsan. Sa pagkakaalam niya, ginawa ito ni Elias para ipangalan kay Faith.

"Inspired pala sa pinsan mo," sabat ni Madrid. "Why don't we name this as unfaithful wine? Mas bagay, right?" suhesyon ni Madrid.

"Kasali ka ba sa usapan?" mataray na tanong ni Emma.

"Hindi naman pero just in case na hindi mo alam, may boses ako sa kompanyang 'to at sa ating dalawa, mas masusunod ako," taas noong sagot ng dalaga at matamis na ngumiti kay Emma. "And for your information, it's so disrepectful na isingit mo ang ex niya sa harap ng bago niya."

"B—Bago niya?" nagtatakang humarap siya kay Elias.

"Oh, hindi mo ba nasabi sa kanya kung ano mo ako, Elias?" kunwaring nasasaktang tanong ni Madrid.

"Elias?" baling ni Emma.

"It's okay kung hindi mo pa maamin ngayon ang relasyon natin dahil nakakapanibago nga naman," madamdaming sabi ni Madrid. "Pero okay lang sa akin. Alam ko naman na hindi pa nila matanggap na naka-move on ka na."

"Are you kidding me?" tanong ni Emma. "Oo, mayaman ka at CEO ka rin ng kompanyang 'to pero hindi ba mali ang magpakalat ng fake news?"

"Ask him!" matapang at may paghamong sabi ng dalaga sabay turo kay Elias.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon