33

5K 293 52
                                    







Unedited...











"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Madrid nang lumabas. Isang oras yata siyang nakatulog dahil napagod sa ginawa nila ni Elias.

"Mamaya unti," sagot ni Elias.

"Okay, tawagan ko lang si Rome," sabi ni Madrid at kinuha ang cellphone saka tinawagan ang kapatid.

"Kuya," sabi niya. "Saan ka?"

"Somewhere. Why?" sagot ni Rome na nasa loob ng kotse.

"Hmmm? Yung business pala namin ni Elias."

"Kayo ang personal na makipag-usap sa clients n'yo."

"Eh? Busy po kami sa kasal eh. Ikaw na muna, please," pakiusap ni Madrid.

"Oh, please, Madrid! Ako na nga ang naghanap ng clients para sa inyo eh," pikong sabi ni Rome.

"To naman. Gift mo na lang po 'to sa wedding namin."

"Marami akong ginagawa, Madrid. Isa pa, nandiyan naman si Benjo at Shiela. Sila na muna ang mag-asikaso habang nasa bakasyon kayo," sabi ni Rome na halatang naiinis ang mukha.

"Okay, fine!" pagpayag ni Madrid. "Ba-bye na! Wag mo kong indian-in sa kasal ko ha" tinapos niya ang tawag.

"Tayo na ang kakausap sa kanila after ng kasal natin. Okay lang," sabi ni Elias na tapos na sa ginagawa.

"Haist! Si Kuya kasi hindi nakikisama. Kaya walang girlfriend e. Sya lang ata ang Villafuerte na hindi magkakaasawa. Well—same sila kay Green Maroon."

"Busy siya at ang dami talagang dapat na asikasuhin," sabi ni Elias. Nauunawaan niya si Rome lalo na't mag-isa lang itong nagpapalago ng negosyo sa Italy. "Malay mo, may girlfriend na siya na di nyo lang alam."

"Sya?" ani Madrid at napataas ang kanang kilay sabay rolled eyes. "Asa ka! Pinaglihi yun sa sama ng loob and believe me, hindi siya ang tipo ng taong mahilig sa babae. Antisocial kaya siya. Introvert pa."

Sikat na fashion designer si Rome. Kilala ang pangalan niya sa buong Italy pero hindi ang mukha niya. Kumbaga, "ghost designer" siya na walang nakakakilala ng pagkakilanlan niya. Ilang beses din itong tumatanggi sa interviews and partys at kung may nakakita man ng hitsura nito, hindi nila alam na ito ang sikat na fashion designer. Maraming nagsasabing babae siya o bakla pero iilan lang ang nakakaisip na tunay itong lalaki.

"Pareho pala kami."

"No!" agad na tanggi ni Madrid. "Kasi ikaw, may girlfriend ka at magkaka-baby na."

"Pinikot mo lang ako," biro ni Elias pero biglang sumeryoso ang mukha ni Madrid dahil hindi nito nagustuhan ang joke niya.

"Talaga? Pinikot kita?" ani Madrid. "Sige, pagsigawan mo pa!" Alam naman niyang joke lang pero siyempre nasa mood siya na i-take as negative dahil baka sabihin nito na wala itong choice kundi pakasalan siya dahil buntis na. What if ganun nga? May trust naman siya pero kahit paano, may 5% na nilalason ng negativity ang utak niya. Dagdagan pa na naghahabol ang ex nito. Ayaw naman niyang irason ni Elias na kaya siya hindi nakipagbalikan kay Faith dahil napikot niya ito.

"Joke lang," depensa ni Elias saka nilapitan ang dalaga. "Siyempre ako ang pumikot sa 'yo." Niyakap niya ito dahil mukhang nagsimula na naman ang tampuhan nila. Kakabati lang nila eh.

"Yung joke mo nakaka-hurt," sabi ni Madrid na hindi ginagantihan ang yakap ni Elias.

"Sorry na oh. Tampo na ang buntis niyan?"

"Hmp!" Tinulak niya si Elias saka lumayo rito. "Bilisan mo na, ipag-shopping mo 'ko!"

"Okay," agad na pagpayag ni Elias. Wala namang problema sa kanya kahit na ano ang bilhin ni Madrid. Tutal nagsusumikap na siya ngayon para mabigyan ito ng magandang buhay at ang magiging anak nila.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon