Unedited...
"Are you ready?" tanong ni Elias nang pagbukas ng hotel room ng dalaga ay nakasuot ito ng red one shoulder sleeveless. Ang haba pa ng slit sa right side nito hanggang sa bewang niya kaya kapag maglakad ay kita ang buong side ng legs niya.
"Yes, I'm ready," sagot ng dalaga na. "May problema ba?"
"Hindi ba makikita ang undies mo kapag maglakad ka?" nag-aalalang tanong ng binata.
"Hindi naman. Kaya ko namang maglakad nang hindi nakikita. Sa side lang talaga ng legs ko." Sobrang kinis ng legs ng dalaga at ang puti pa lalo na't dark red and shining red ang suot nitong gown na tinernuhan din ng pulang sapatos.
Black suit ang suot ng binata. Pagdating sa isang malawak na silid, dumiretso sila sa table na nakareserba sa kanila.
"Stay here. Ihahanda ko lang ang table," bulong ng binata at iniwan ang dalaga sa table.
"Oh, mag-isa ka yata?" sabi ni Daniel na lumapit sa kanya. "Can I join you? May nakaupo ba rito?"
"Yes but he's still there kaya pwede kang maupo muna," pagpayag ng dalaga at hinanap ng mga mata si Elias.
"Sasali pala kayo," ani Daniel nang sundan ang tinitingnan ng dalaga.
"Yes. Ikaw? Bakit nandito ka?"
"Yung company na ini-endorse ko ay may isasali rin sa wine competition kaya napasama ako," sagot ni Daniel. "Sayang at magkaiba tayo ng company."
"Okay lang," sagot ng dalaga. Syempre bawal ito sa kanila dahil third party sa relasyon nina Faith at Elias.
"Mukhang lalaban talaga si Elias a."
"Sana manalo kami. He did a great wine," proud na sabi ni Madrid.
"Let's see. Syempre hindi rin magpapatalo ang company namin."
"Lalaban kami!" mataray na sabi ni Madrid kaya napangiti si Daniel.
"It's okay. Wala naman akong tali kung sino ang mananalo," wika ng binata.
"Nasaan na pala ang girlfriend mo?" tanong ni Faith.
"Anong girlfriend?" kunwaring tanong ng binata.
"Wag na tayong makipagplastikan, Daniel. Magkunwari ka pa ba sa akin?"
"So bold," natatawang sabi ni Daniel. "Nasa Pinas siya."
"Why?" tanong ni Madrid sabay titig sa mukha ng binata para malaman ang nilalaman ng isip nito.
"What why?"
"Why did you do that? Alam mong may relasyon sila pero inagaw mo pa rin si Faith sa kanya? Wala na bang ibang babae at ang girlfriend ng iba ang sinulot mo?"
"Narinig mo na ba ang sabi nilang mas madaling manakaw ang manok kapag nakatali?" patanong na sagot ni Daniel.
"Bullshit!" ani Madrid. "Wala na ba talaga kayong respeto?"
"Do you like him?" tanong ni Daniel. "Balita ko, kayo na?"
"He's my boyfriend," sagot ng dalaga at iniwas ang tingin. Wala siyang tiwala kahit kanino para umamin sa estado nila ni Elias.
"Kaya pala. Be thankful na lang dahil kung hindi ko siya inagaw, wala sana kayo ni Elias."
"Hindi ko ipinagpasalamat na masaktan ang iba dahil sa panloloko ng partner niya!" giit ng dalaga at ngumiti nang matamis.
![](https://img.wattpad.com/cover/370055683-288-k256996.jpg)
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...