8

4.2K 231 20
                                    



Unedited...

"Alis na ba tayo?" tanong ni Madrid nang pumasok sa opisina.

"Benjo, ipag-drive mo kami," utos ni Elias.

"Okay, boss. Mauna na muna ako, ipa-full tank ko lang."

"Sasama ba si Emma?" tanong ni Madrid at naupo sa silyang nasa tapat ng opisina ni Elias.

"Bakit siya sasama?"

"Ewan," sagot ni Madrid. "Mukhang type ka yata."

"She's engaged," wika ni Elias.

"Engaged," ani Madrid. "Asawa nga naaagaw, engaged pa kaya?"

"Nonsense," wika ni Elias. "Stop making issues, Madrid."

"Just telling the truth, Elias. Makaasta siya akala mo siya ang asawa. Eh, pinsan lang naman siya ng ex mo."

Nagulat siya nang hampasin ni Elias ang mesa.

"Masyado ka nang pakialamera sa personal kong buhay, Madrid!"

"Company ito, Elias. Nagmamataas siya na parang boss dahil lang sa pinsan siya ng ex mo kaya sino kaya paano ko hindi pakialaman ang buhay ninyo kung siya mismo ang nagdala?" matapang na tanong ni Madrid saka sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Elias. "At wag mo akong pakitaan ng kasungitan mo dahil wala akong kinalaman sa nakaraan mo! It's none of my fucking business pero kung pati ako pinapakitaan ninyo ng magaspang n'yong ugali, malaki ang malulugi sa inyo, mark my word!" pagbabanta niya at gigil na tinalikuran ang binata saka lumabas.

Napabuntonghininga si Elias. Ngayon lang may naglakas-loob na mangialam sa buhay niya at parang gusto pa siya nitong takutin. Aminado siyang malakas na kalaban ang mga Villafuerte at kaya nilang pabagsakin ang negosyo nila sa Pilipinas pero sa pagkakaalam niya, hindi ganoon magdesisyon ang mga ito. They must have a reasonable reason kapag gawin nila iyon. Napaka-childish naman masyado kapag makinig sila kay Madrid.

Kinuha niya ang cellphone at lumabas. Saktong nasa kakarating ng sasakyan ni Benjo nang bumaba siya sa parking lot. Inirapan siya ni Madrid bago ito sumakay sa backseat.

"Boss," tawag ni Benjo.

"What?" galit na tanong ni Elias na ikinagulat ng assistant.

"Uuwi rin ba tayo agad?"

"May gagawin ka?" tanong ni Elias.

"Ah, kasi mamaya na ang laban ng Spain versus England," paalala ni Benjo. "Championship na nila."

"Balik tayo agad," sagot ni Elias.

"Thank you, boss. Manood ka rin?"

"Titingnan ko," sagot ni Elias. Hindi siya mahilig sa football pero dito sa Europe, mapabata man o matanda ay mahilig nang manood ng football. Ganito sila ka adik dito sa Europa. Unlike sa US at asia na puro basketball. Dito naman sa Europa, naging bonding time na nila ang panonood ng football.

"Sabay ka sa amin manood, Benjo," sabi ni Madrid.

"Saan kayo manood, madam?"

"Sa hotel Riu," sagot ni Madrid.

"Talaga? Wow! Sige. Pwede ba?"

"Oo naman. Lahat ng empleyado namin ay sa hotel Riu manonood," sagot ni Madrid.

"Woah! Gusto ko 'yan para mas marami, mas masaya!"

Nang dumating sa factory, agad na bumaba si Madrid at naunang pumasok.

"Boss, anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Madam?" bulong ni Benjo.

"Manahimik ka kung ayaw mong maglakad pauwi."

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon