chapter 2

5.3K 258 86
                                    








Unedited...






"Kuya, sama ka na ba sa akin?" tanong ni Kaitlyn dahil mukhang walang mapupuntahan ang binata. "May twenty minutes pa tayo para sa next bus. Ako po ang bahala sa 'yo. Makakapasok ka po kahit na wala ka pang papeles at promise, tutulungan kitang magkapapel."

"Sige," pagpayag ni Elias at sumama sa dalaga kahit na gusto sana niyang magpaiwan pa. Bakit siya sumama? Dahil alam niyang hindi ito aalis hanggat hindi siya naisama. For sure magpapaiwan din ito. Isa pa, tinawagan siya ng kanyang ama na kailangan na niyang mag-report sa opisina.

Sumakay sila sa bus. Libre na ng dalaga kaya chinat ni Elias ang assistant para ito na ang magdala ng sasakyan pabalik sa Madrid.

Sa bintana pumwesto si Madrid pero napasulyap siya sa lalaking katabi. Kung tutuusin, hindi naman ito mukhang pulubi dahil malinis ito tingnan. Makinis din ang balat ang gwapo kaya kahit na ipasok niya bilang modelo, paniguradong papatok ang pagmumukha nito.

"Nagsawa ka na ba?" tanong ni Elias habang nakapikit.

"Saan?"

"Sa tinitingnan mo," sagot ng binata kaya agad na iniwas ni Madrid ang tingin.

"Oo. Actually, gusto kong mag-bus at train lagi dahil nasusulit ko ang tanawin sa nadadaanan," sagot ng dalaga.

"Pwede naman ma-enjoy kahit nakakotse ka."

"Boring," sagot ng dalaga. "Gusto kong marinig ang appreciation ng mga tao sa kapaligiran. Boring na kapag sa kotse."

"I see," ani Elias na ipinikit ang mga mata.

Hindi na umimik pa si Madrid at inin-enjoy na lang ang nadadaanan nila.

Pagkatapos ng apat na oras, nasa Madrid na sila.

"Here pala, kuya," sabi ni Madrid sabay abot kay Elias ng white card. "May laman 'yan. Kaka-load ko lang. Bale may ten rides pa 'yan dito sa metro."

"Thanks," pasalamat ni Elias at sumama sa dalaga na sumakay sa train patungo sa tinutuluyan nito.

"Pasensya ka na sa piso(apartment) ko," paumanhin ni Madrid. "Here. Maupo ka muna. Nagugutom ka na ba? Magluluto lang ako. Feel at home lang." Inabot niya ang remote saka tumungo sa kusina.

Naupo si Elias at iginala ang paningin. Ang liit lang ng apartment nito kung tutuusin pero dahil nasa Spain sila, malaki na ang 60sqm sa isang tao. Dito kasi sa Spain, pwede gawing boarding house type ang bahay. Yung kahit na tatlong pamilya ang magsama as long na may sariling kwarto ang bawat isa, pwede na. Shared kitchen and bathroom lang. Ganun naman tayong mga pinoy, as long na makatipid, go tayo. Kasi dito naman tayo sa ibang bansa para magtrabaho kaya ang silbi ng bahay, pahingaan at tulugan lang talaga.

"Mag-isa ka lang ba dito?"

"Yes," sagot ng dalaga na naghahanap ng maluluto.

Kinuha ni Elias ang remote at pinaandar ang sobrang laki ng TV sa sala. Ang mga gamit ay halatang binili sa kilalang brand. Kahit ang painting sa wall ay mula sa tandag na pintor.

"Dalawa ang room kaya sa isa ka na muna matulog."

"Hindi ka ba natatakot na dito ako tumira?" tanong ni Elias at hininaan ang volume ng TV para magkarinigan sila.

"Hindi naman," sagot ni Madrid.

"Magkano ang rent mo rito?"

"Ah, libre lang," sagot ng dalaga at ngumiti. "Actually, sa company ito kaya hindi ko na babayaran."

"Ang bait naman ng company mo," sabi ni Elias na napataas ang kanang kilay.

"Syempre mayaman sila," sabi ni Madrid at naglagay ng mantika sa kawali para magluto ng tuna sisig.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon