Unedited...
Wala silang kibuan habang nasa eroplano hanggang sa makarating sila sa Madrid. Pwede namang mag-train from Paris to Madrid pero humigit kumulong 16 hours ang byahe, depende pa sa kung ilang transfer ka ng train. Unlike sa eroplano na 2 hours lang.
"Akin na ang gamit mo," sabi ni Elias na kinuha ang maleta ng dalaga nang makita sa baggage counter. Pink na pink ito at may disenyo pa ng Eiffel tower kaya agad nilang nakita.
"Kaya ko," sabi ng dalaga saka inagaw sa binata ang maleta. "Sanay akong magbitbit ng gamit ko."
"Hindi ako sanay na nakikitang may bitbit ang babae," pag-amin ng binata.
"Eh di masanay ka na," sabi ni Madrid. Sanay siyang maging independent kagaya ng mga tao rito kahit na may katulong naman sila.
"Akin na, okay lang naman na—"
"Please, Elias. Malakas pa po ako at kaya ko namang hilain ang maleta ko. May kulong naman eh," giit ng dalaga.
"Okay, fine," pagsuko ng binata. Nasanay lang siguro siya kina Faith at sa pinsang si Kaitlyn na siya ang tigabitbit ng gamit ng mga ito.
"Boss! Boss!" malakas na tawag ni Benjo nang lumabas sila sa parking lot. "Congrats, boss! Woah! First price!"
"Salamat. May bonus ka sa akin," nakangiting sabi ni Elias at sumakay matapos mailagay ang gamit nila sa likod ng sasakyan.
"Grabe! Ang tagal nang sinusubukan ng Tito Ace mong manalo sa patimpalak na ganyan pero ni top three ay hindi pa tayo nakalusot pero ngayon, champion na!" masiglang sabi ni Benjo. "For sure tuwang-tuwa at proud sila sa 'yo!"
"Yes, tumawag nga kanina," pagkukuwento ng binata at napasulyap kay Madrid na tahimik sa likod.
"Ano, boss? Pa-party tayo?" tanong ni Benjo.
"Sige. Bukas na ng gabi," pagpayag ni Elias, "para yung nasa site, makadalo rin sila."
"Ayos! Magandang idea 'yan, boss. Saan pala tayo didiretso?"
"Ihatid na muna natin si Madrid," sagot ng binata.
"Pwede bang sa bahay na namin ako magpahatid?" pakiusap ng dalaga dahil na-miss nya ang parents nya.
"Sure po."
Nang tumigil sila sa mala-palasyong bahay nina Madrid, si Elias na ang lumabas at kumuha ng maleta nito.
"Madrid," tawag niya nang tumalikod ang dalaga kaya lumingon ito.
"May kailangan ka pa?" tanong ni Madrid.
"T—Tungkol pala kagabi—"
"As what I've said, wala kang pananagutan, Elias. Let's pretend nothing happened," kalmadong sagot ni Madrid kaya napabuntonghininga si Elias.
"Iyon ba talaga ang gusto mo?" mahinang tanong ng binata.
"Why? Ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong ni Madrid na gustong matawa. Pareho naman nilang ginusto ang nangyari kagabi at willing naman siya so para sa kanya, wala na iyon. "See? Hindi ka makasagot. Again, it's my decision so don't worry. Chill ka lang! Hindi kita oobligahin. Sige na, bye. See you bukas and again, congratulations!"
"Thanks," pasalamat ni Elias kaya bitbit ang maleta, pumasok si Madrid sa bahay matapos pagbuksan siya ng mga guwardiya. Medyo malawak ang bahay nila at labas na sa centro ng Madrid dahil gusto ng parents niya na may malawak na garden para sa kanilang magkakapatid.
"Si Kuya po?" tanong niya.
"Sa taas po, señorita," sagot ng katulong at kinuha ang maleta ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...