Unedited...
"Shiela?" tawag ni Elias nang pumasok sa opisina ni Madrid.
"Hola, sir. May kailangan ka?"
"Si Madrid?" tanong niya. Hindi talaga sya nito pinagbigyang mag-dinner sila kagabi. Hindi ito nagpapigil na umuwi sa bahay kaya wala siyang choice dahil ito ang nagmamaneho.
"Nasa photoshoot ho, sir," sagot ni Shiela.
"Photoshoot?"
"Yes, sir. Gusto niyang makita mismo ang place at isa pa, medyo nabahala rin siya dahil firstime gawin ito ng company so ayaw niyang may mag-sabotage kaya gusto niyang tutukan dahil wala naman daw siyang ginagawa."
"Ganoon ba?" ani Elias. "Sige."
Lumabas siya sa opisina at tinawagan ang assistant ng photographer. Nandoon nga ang dalaga.
"Benjo, kapag may tumawag sa akin, sabihin mong nasa meeting ako at ayaw kong paistorbo," bilin ng binata.
"Kahit sino po?"
"Kahit sino pa ang tumawag, okay? Alis lang ako," paalam niya saka lumabas at nagmaneho patungo sa palacio real na kung saan nandoon ang venue ng photoshoot.
Saktong napadaan siya sa flower shop na binelhan nila kahapon kaya tumigil muna siya at dumaan para bumili ng bulaklak.
Bitbit ang bouquet ng white lily flower, bumalik siya sa sasakyan at nagpatuloy sa pag-drive patungo sa venue.Pagdating, kinuha niya ang bulaklak at naglakad patungo sa gilid ng palacio real. Ang daming tao pero mga walang pakialam ang turista sa photoshoot maliban na lang sa ibang pinoy na nakakakilala kay Faith.
Napatingin siya kay Faith na nakasuot ng red gown. Bahagyang inaayos nito ang mahabang buhok na tinatangay ng hangin habang kinukuhaan ng litrato.
"Elias!" masiglang wika ni Faith at nakiusap na break muna. "Hi. Napadalaw ka?"
"May pupuntahan lang ako," sagot ni Elias. "Balik ka na sa shoot mo, ayaw kong makaistorbo."
"Okay lang," sabi ni Faith. Ganito naman sila dati. Matiyagang hinihintay siya ni Elias sa photoshoot kahit na ilang oras pa. "Salamat sa pagpunta. Akala ko hindi mo na ako dadalawin."
"Hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito," pag-amin ni Elias na kanina pa hinahanap ng mga mata si Madrid pero hindi niya mahagilap.
"Business," wika ni Faith at ngumiti. "I understand pero salamat pa rin."
"Just do your best, Faith," sabi ni Elias na sa wakas ay nakita niya si Madrid na naglalakad patungo sa mga kasama kaya lumapit sya rito. "Madrid!" tawag niya.
"I am always giving my one hundred percent," sabi ni Faith.
"Oh? Ba't nandito ka?" tanong ng dalaga at napatingin sa hawak na bulaklak ng binata. Lumayo siya sa mga kasama para sana tawagan si Elias pero hindi siya makonek ni Benjo dahil may pupuntahan daw itong meeting at ayaw paistorbo. Ngayon alam na niyang kung anong meeting ang tinutukoy nito, si Faith pala.
"Ah, thank you, Elias!" sabat ni Faith at matamis na ngumiti sabay kuha ng bulaklak na hawak ni Elias. "I like these flowers. Nag-abala ka pa. Balik na 'ko sa shoot. Thank you ulit."
Bago pa man maka-reak si Elias, nakatalikod na si Faith dala ang bulaklak.
"Akala ko ba hindi ka dadalaw rito?" salubong ang kilay na tanong ni Madrid.
"Para sa 'yo 'yun," sabi ni Elias.
"Ang alin?"
"Yung flowers. Para talaga sa 'yo 'yun," hindi makapaniwalang wika ni Elias. Kahit paano, lalaki pa rin siya at ayaw niyang mapahiya si Faith. Kahit paano may pinagsamahan pa rin sila at babae pa rin naman ito para ipahiya niya.

BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...