7

4.7K 239 48
                                    


Unedited...







"Uy, Benjo. Nasa opisina ba si Elias?"

"Hola, madam. Yes po," sagot nito.

"Kumain na ba kayo ni Elias?"

"Hindi pa nga madam e. May pinapagawa pa si Boss," sagot ni Benjo.

"Pasok ako ha," paalam ni Madrid.

"Bawal daw magpapasok ng kahit na sino kapag walang appointment," sabat ng isang empleyado kaya napaharap si Madrid sa kanya. Sa pagkakaalam niya, ito ang nasa financing department na medyo matagal na sa kompanya.

"Benjo, pasabing may mahalaga akong sasabihin," sabi ng dalaga.

"Benjo, alam mo namang ayaw paistorbo ni Elias during office hours, di ba?"

"This is about the company," sabi ni Madrid na pinipigilan ang sarili kahit na pikon na siya.

"It's okay, Emma. Free si Boss ngayon," sabi ni Benjo. Oo nga pala, hindi nila alam na co-CEO si Madrid ng kompanya dahil ayaw nitong ipaalam.

"Kailan pa tumatanggap ng on the spot visitor si Elias?" tanong ni Emma.

"Ngayon lang siguro," sagot ni Madrid saka tinalikuran ang mga ito at pumasok sa loob.

"Hola!" masiglang bati ni Madrid nang pumasok sa opisina kaya napatingin si Elias sa kanya.

"May kailangan ka?" tanong ni Elias.

"It's almost lunchtime kaya may ibibigay ako sa 'yo," sabi ni Madrid sabay lapag ng lunchbox sa table ng binata.

"Anong nakain mo?"

"G—Gusto ko lang humingi ng sorry sa nangyari noong Sabado. Promise, hindi ko talaga alam ang pinaggagawa ko."

"Nangyari na kaya hindi ka na sana nag-abala pa," salubong ang kilay na sabi ni Elias saka ipinagpatuloy ang ginagawa sa computer. Matapos siyang gawing pulutan, sinukahan lang naman siya nang sinukahan sa dibdib.

"Sige na, kumain ka na. Alas dose na oh. Hindi ka pa raw nagtatanghalian eh. I made this for you nang makabawi naman ako."

"Alam mong ayaw kong makipagplastikan, Madrid. I don't like your cooking," diretsahang sabi ni Elias. Bagamat nasaktan nang kaunti, sinubukan pa rin ni Madrid. Binuksan niya ang dalang kanin at ulam.

"I cooked adobo. Alam kong isa ito sa mga specialty at paborito ng mga pilipino kahit na it was introduced by spaniards," sabi niya kaya napasulyap si Elias sa adobo.

"Bago pa man dumating ang spaniards, gumagamit na ng suka at asin ang mga indigenous people sa Pilipinas para ma-preserve o tumagal ang karne," pagtatama ni Elias.

"Okay. Pero tikman mo na. Ang tagal ko niyan sa kusina e. Nang mapatawad mo naman ako," pakiusap ng dalaga dahil alam niyang na perwisyo niya ang binata.

Napilitan si Elias na damputin ang kutsara para tikman ang adobo ni Madrid. Isang subo, toyo agad. Inilapag niya ang kutsara saka napatingin sa mukha ng dalaga.

"Ano? Okay ba?"

"Did you try to taste it, Madrid?" kalmadong tanong ng binata. Hindi niya ito mato-tolerate. Honest syang tao pagdating sa pagkain at maselan sa kusina kaya hindi niya kayang tiisin ang ganitong klaseng luto.

"I did my best," ani Madrid.

"Did you put water on it?"

"Ha? Kailangan pa ba 'yun?" inosenteng tanong niya. "May toyo naman ah. At nilagyan ko na 'yan ng asin," proud na sabi niya na para bang estudyanteng natuto na sa itinuro ng isang guro. Noong una kasi wala raw asin ang sinigang niya.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon