Unedited....
"Talagang nagwala ka rito? Parang wala kang pinag-aralan!" galit na sabi ni Orange nang madatnang nagwawala si Madrid.
"Wala kang pakialam!"
"Oh, c'mon, Madrid! Hindi ka na nahiya," sabi ni Orange dahil pinagtitinginan na sila ng mga empleyado pero takot ang mga itong lumapit. "Alam mo bang malaking pinsala ang ginawa mo?"
"So?"
Naikuyom ni Orange ang kamao sa inis. Kung hindi lang niya ito pinsan at kung hindi buntis, baka nahagis na niya ito palabas ng building.
"Halika nga!" ani Orange sabay hawak nang mahigpit sa kanang kamay ng pinsan. "Nasaan na ba si Elias, Benjo?"
"Nasa opisina niya ho," sagot ni Benjo kaya hinila ni Orange papasok sa elevator si Madrid saka dinala sa opisina ni Elias.
Napatingin si Elias sa kanila nang pumasok.
"Alam mo ba ang pinaggagawa ng babaeng 'to sa labas, Elias?" galit na tanong ni Orange saka pinaupo si Madrid. "Diyan ka lang, wag kang tumayo! At baka nakalimutan mo, buntis ka!"
"Gusto kong magbasag, bakit ba?"
"Isa pang sagot, masasampal na kita!" pagbabanta ni Orange. Thanks God at hindi naman ganito kapasaway si Kaitlyn kapag magalit. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, ha?"
Hinarap niya si Elias na busy sa laptop.
"Alam mo ba ang nangyayari, Elias? Nakita mo ba kung ano ang pinaggagawa ng babaeng 'to sa labas?"
Tumango si Elias at tumingin kay Madrid.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Elias pero inirapan lang siya ni Madrid.
"Alam mo naman pala pero hinayaan mo lang? Utang na loob, hindi na kayo mga bata! Pag-usapan nyo nga ang problema ninyo!" Buti na lang dahil nasa malapit na siya nang magsumbong ang empleyado sa kanya na naging kaklase niya ng college.
"Kapag sawayin ko, papapigil ba 'yan?" tanong ni Elias at ipinagpatuloy ang ginagawa sa laptop.
"Nakakahiya kayo lalo ka na, Madrid! Ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mong magwala?"
"Ako na ang bahala," mahinahong sabi ni Elias. "Papalinis ko na lang at papapalitan."
"Wag ka nang magwala. Oras na malaman ko, si Lolo Sky talaga ang susundo sa 'yo rito!" pagbabanta ni Orange. Tatahimik lang ang lolo nila pero kapag magseryoso at magdisiplina, maghanap ka na talaga ng matataguan mo. "Aalis na ako dahil may meeting pa ako. Mag-behave ka ha."
Iniwan na sila ni Orange kaya muling bumalot ang katahimikan sa loob ng opisina.
"May iba ka bang babae, Elias?" tanong ni Madrid kaya napasulyap ang binata sa kanya.
"Bakit mo natanong?"
"Bakit ko natanong?" ulit ng dalaga. "Bakit? May masama bang magtanong, ha?"
"Wala naman."
"May babae ka o wala?"
"Wala," sagot ni Elias.
"Eh bakit wala ka nang gana sa akin?"
"Anong pinagsasabi mo, Madrid?"
"Hindi mo 'ko tinatabihan kagabi! Mas pinili mong magpalamig sa sala kaysa tabihan ako!"
"Hindi mo naman ako mahal, di ba?" tanong ni Elias. "Limang milyon lang naman ang kapalit ko, right? At may ten million ka pa kapag maikasal tayo, right?"
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...