38

4K 262 46
                                    









Unedited...








Mabigat sa loob pa rin na makipag-usap si Elias kay Madrid kaya sinusubukan niyang 'wag makipag-usap dito. Nakauwi rin sila kinabukasan dahil okay naman ang dalaga.

"Nagugutom na ako," sabi ni Madrid nang maupo sa sofa. Napatingin siya kay Elias na tumungo sa opisina saka naghanda ng makakain.

"Ano ang lulutuin mo?" tanong niya pero hindi siya sinasagot ni Elias kaya lumapit siya rito. "Mag-aadobo ka ba?" tanong niya kahit na nakita niyang naghuhugas ng sitaw at sayote ang binata.

"Tinolang manok," tipid na sagot ni Elias.

"Okay," ani Madrid. "Nakakauhaw." Lumapit siya sa ref at kumuha ng coke saka nagsalin sa baso. Iinumin na sana niya nang pigilan siya ni Elias.

"Kung nauuhaw ka, magtubig ka na lang!" sabi ng binata sabay bigay ng mineral water sa dalaga.

Tumaas ang kilay ni Madrid habang umiinom ng tubig. Alam naman niyang pipigilan siya nito eh. As if pa na ayaw syang kausapin pero nakiki-observe rin naman sa kanya.

Naupo siya sa table at pinagmasdan ang binatang naghahanda ng lulutuin.

"Kung wala kang magawa, manood ka muna ng TV sa sala, tatawagin lang kita kapag luto na," sabi ni Elias dahil hindi maka-concentrate sa pagmamasid ni Madrid.

Gigil na hiniwa niya ang manok para dito ilabas ang sama ng loob. Isa pa tong si Kaitlyn, pinsan pa naman niya at bestfriend kung ituring pero pinagpupustahan lang pala siya. Bakit ba may mga taong mahilig magkunwari at maglaro ng damdamin ng iba? Tapos kapag confrontation na, wala lang sa kanila at parang sila pa ang may kasalanan?

Padabog na lumabas si Madrid sa kusina at nanatili sa sala.

Nang maluto na ay niyaya siya ni Elias na magtanghalian. Habang kumakain, walang nagsasalita sa kanila. Parehong nakikiramdam.
Napatingin si Madrid sa cellphone nang tumunog. Kinuha niya at sinagot ang tawag.

"Kaitlyn," aniya sabay lagay ng earphone. "I'm fine. Okay naman ako. Nagla-lunch kami ni Elias. Look oh, tinolang manok ang ulam namin," Binuksan niya ang videocall para ipakita ang ulam. "Ikaw? Kumain ka na ba? Masarap din naman si Orange magluto eh."

Pinagpatuloy ni Elias ang pagkain.

"Ay, bukas ng hapon shopping tayo," sabi ni Madrid kaya napatingin si Elias dito. "Eh? Libre ko na kasi may five million ako."

Napahigpit ang pagkahawak ni Elias sa kutsara.

"Syempre naman. Kailangan ko ring gastusin 'yung pera nang mabawasan naman. Kahit naman magmukbang tayo, hindi tayo aabot sa two thousand e. Ako na ang bahala," excited na sabi ni Madrid. "Oh sige na, kakain pa muna ako. Bye. See you bukas."

Tinapos niya ang tawag at ipinagpatuloy ang pagkain. Stressed siya kaya kailangan niya ng stress reliever. Samahan niya si Kaitlyn na gumala bukas dahil gusto raw ni Ponkan mamasyal kaya nagpapasama ito. Sakto dahil wala naman siyang gagawin.

Tumayo si Elias.

"Tapos ka na?" tanong ni Madrid.

"Oo. Kapag tapos ka na, iwan mo lang dito, ako na ang magliligpit," sagot ng binata at iniwan siya kaya mag-isa na lang siyang kumain.

Nang matapos ay tumungo siya sa kwarto upang matulog. Alam naman ni Elias na kapag nasa bahay sila, nagna-nap talaga siya after lunch kaya for sure sasamahan siya nito. Nag-halfbath muna siya at inayos ang higaan. Sa pinakadulo siya pumuwesto para may space pa si Elias na mahiga sa tabi niya.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon