Unedited...
Pasara na ang elevator nang pumasok si Elias at nakisabay sa kanya.
"Hola, buen diá(good morning)," bati ng binata pero ni hindi man lang siya pinansin ng dalaga.
"Hey—" pigil na pigil ang galit niya nang hawakan siya ni Elias sa kamay at isinandal sa wall saka itinukod ang mga kamay para makulong siya nito.
"I said good morning," sabi ni Elias habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. Siya ang tipo ng babaeng sobrang daling basahin ng mood lalo na kapag galit o nagtatampo.
"Ganyan ka ba talaga bumati?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Hindi ka sumasagot eh."
"Bakit—uhmp!"
Nagulat siya nang angkinin ni Elias ang mga labi niya pero bago pa siya mahimasmasan ay pinakawalan din siya nito.
"Have a nice day, Madrid." nakangiting sabi ng binata sa dalagang napatulala pa. Lumabas siya nang bumukas ang pinto pero paglingon niya ay nasa loob pa si Madrid. "Hindi ka pa ba bababa? We're here."
"Ugh! I hate you!" inis na sabi ng dalaga saka padabog na lumabas at tumungo sa opisina.
"Morning, madam," bati ni Shiela.
"Marami ba akong gagawin mamaya?" tanong ni Madrid at naupo sa swivel chair.
"Hmmm... Wala namang gaano, madam. May dinner meeting pala kayo mamaya sa Hotel Riu," paalala ni Shiela.
"Wala pa akong isuot na dress," sabi niya kahit na marami pa naman siyang hindi nasusuot na damit.
"Mayroon na pong nakahanda, madam."
"Ha? Saan?"
"Ayan ho," sagot ni Shiela sabay turo sa puting long gown na nakasuot pa sa manniquen.
"Bakit may damit diyan? Akin ba 'yan?"
"Yes, madam. Pinadala ho ni Sir Elias kay Benjo kanina."
"Kay Elias?" tanong niya sabay taas ng kilay.
"Yes po. Ang sabi iyan daw ang isusuot mo later."
"Paladesisyon talaga ang lalaking 'yun!" sabi niya sabay sulyap sa damit. Ang ganda ng gown. Kahit na nasa malayo, kitang-kita na magandang klaseng tela ang gamit. Syempre may clothing company sila sa Pinas kaya hindi na siya magtaka kung maganda ang pagkatabas nito. Mayroon din naman ang pamilya niya sa Italy na ang Kuya Rome niya ang nangangalaga pero minsan hindi rin niya bet kumuha ng damit.
"Madam, bagay kayo ni Sir Elias."
"Tigilan mo 'ko, Shiela! Nakita mo ba yung ex niya? Hindi pa siya naka-moveon don!"
"Hmm? Alam mo madam, maganda ka at mayaman. Hindi malabong ma-inlove o baka nga na-inlove na si Sir Elias sa 'yo. Mas maganda ka kaysa kay Faith, ano. Mas matangkad lang siya sa 'yo pero kung sa ganda lang, hindi ka niya mapapantayan."
"Sige, utuin mo pa ako, Shiela!"
"Hindi a. Totoo yung sinasabi ko, madam."
"Bumili ka ng bulaklak?" tanong niya nang mapansin ang bagong white lilies sa table niya.
"Ah, dala rin ho ni Benjo, galing daw kay Sir Elias," nakangiting sagot ni Shiela. "Alis muna ako, Madam. Kailangan ko pa kasing dalhin ang ibang props sa hotel Riu para sa commercial shoot nila."
"Dala mo ba ang emergency kit ng love of my life ni Elias?" tanong niya.
"Ho?" clueless na tanong ni Shiela.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...