15

3.2K 222 35
                                    






Unedited...







"So, saan na tayo?" tanong ni Kaitlyn habang hawak ang kamay ni Ponkan.

"I dunno know. Punta tayo sa Royal Palace tapos sa 360° rofftop ng Hotel Riu na pagkatapos dahil magkatapat lang naman sila," sagot ni Madrid.

"Okay. Pwede rin," pagpayag ni Kaitlyn. "Pero gusto kong kumain sa oldest restaurant in the world."

"Ah, sa Sobreno de Botìn," sabi ni Madrid. "Sure, pwede rin. After ng Riu hotel. Saan na pala si Kuya Orange?"

"I'm here," sabi ni Orange na kakalabas lang ng bahay. "Shall we?"

"Wait, anong sasakyan ang dalhin natin?" tanong ni Madrid.

"Oh, there he is," ani Kaitlyn nang tumigil ang limousine sa tapat nila. Bumaba si Elias saka pinagbuksan sila.

"Bakit kasama siya?" tanong ni Madrid kay Kaitlyn.

"Eh? Syempre sabay nang gumala. Bakit parang ayaw mo?" sagot ni Kaitlyn na painapasok si Ponkan.

"Wala naman. Natanong ko lang," sagot ng dalaga na sinubukang wag mapasulyap kay Elias. Hindi siya kampante kapag nandito ang lalaki. Feeling niya ang sikip ng paligid kapag nakikita niya ang binata. Parang habang tumatagal, nakakaramdam siya ng pagka-awkward lalo na't may namagitan sa kanila.

"Pasok na kayo," sabi ni Orange na nasa loob na katabi ang anak kaya pumasok na si Kaitlyn.

"Sa harap ka," sabi ni Elias na pinigilan si Madrid. "Wag nyo akong gawing driver."

"Sige na, sa unahan ka na," sabi ni Kaitlyn.

"Okay," pagpayag ni Madrid para hindi na humaba ang usapan at iwas issue na rin. Parang tatabi lang naman e.

Isinara ni Elias ang pinto at umikot sa driver's seat para sya na ang nagmaneho.

"Saan tayo?" tanong ng binata.

"Sa Royal palace muna tapos sa hotel riu," sagot ni Kaitlyn.

Nakarating sila sa Royal palace. Kagaya ng inaasahan, dinarayo rin ito ng mga turista at ang haba ng pila papasok.

"Picture muna tayo sa gilid," sabi ni Kaitlyn na mangha sa nakikitang palace.

"Ito ang pinakamalaki at malawak na palace sa Europe, ano?" tanong ni Orange.

"Yes," sagot ni Kaitlyn.

"Kinuhaan ko na kayo ng ticket kaya we can skip the line," sabi ni Madrid dahil habang nasa biyahe, nag-book na siya.

"Thanks, God! Ang haba kaya ng pila," pasalamat ni Kaitlyn.

"Tara na," yaya ni Madrid. "Mamaya na tayo mag-picture dito sa labas."

Nang makapasok, bumungad sa kabila ang napakalaking bulwagan. Ang dami ring paintings sa wall ng mga sikat na pintor kagaya nina Michael Angelo and of course ang mga sculptures sa gilid na nadadaanan nila. May malaking frame rin ng royal family.

"Sina Orange?" tanong ni Madrid dahil hindi na makita ang pinsan at si Elias na lang ang nakabuntot sa kanya. Umaakyat siya ng hagdan nang paglingon ay wala na ang pinsan.

"Somewhere," sagot ng binata.

"Oh ghad! Hanapin—"

"Matanda na sila, hindi na 'yun mawala."

"Iba pa rin kapag kasama natin sila."

"Nandito naman ako. Firstime ko rin dito kaya samahan mo na lang ako," sabi ni Elias na iginagala ang paningin.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon