35

4.4K 232 28
                                    








Unedited...












"Salamat sa paglibre nitong masarap na pagkain," pasalamat ni Chona habang kumakain sila sa mamahaling restaurant. Afford naman nila pero for the first time, unli order sila nang hindi magbabayad ng bill.

"Kain lang kayo," sabi ni Elias saka kinuha ang siningang na isda at nilagyan ng sabaw ang plato ni Madrid. "Humigop ka nang maraming sabaw kasi kailangan mong magpalakas."

"Thank you," pasalamat ni Madrid at ngumiti. "Ikaw rin, humigop ka ng maraming sabaw kasi kailangan mo ng lakas," makahulugang sabi niya.

"Thanks," pasalamat ni Elias na ayaw nang dagdagan pa ang pag-uusap dahil hindi lang sila ang nasa table. Sana lang magpreno ng bibig si Madrid.

"Kain lang kayo, may dessert pa tayo ha," paalala ni Madrid sa mga kaibigan. "Balita ko masarap ang cake rito."

"Sobra!" ani Chelsey.

"Oop, bawal ka ng masyadong sweet," paalala ni Elias. Ganun daw kapag buntis, hindi pwedeng marami ang kanin at puro matatamis dahil lalaki ang bata at mahirapang manganak si Madrid.

"Ay, oo nga. Wag kang masyado sa matatamis," sabi ni Chona. "Ako nahirapan ako dahil nagkaroon ako ng gestational diabetes. Puro kasi ako cakes and ice cream noong nagbubuntis ako."

"Hala, diabetic ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Madrid. "Ang bata mo pa. Ilang taon ka na nga?"

"Thirty pa lang ah. Wala ako na akong diabetes," sagot ni Chona.

"Di ba sabi mo nagka-diabetes ka?" tanong ni Chelsey.

"Noong buntis pa ako nun," sabi ni Chona. "Yung gestational diabetes, yun yung buntis ako na tumaas ang blood sugar pero kusa namang nawala nang nanganak na ako. Grabe, hirap na hirap ako noon dahil nagka pre-eclampsia ako kaya ayun, na CS."

"Ay, hindi pala normal ang panganganak mo?" tanong ni Chelsey.

"Oo. Kaya may hiwa ako sa tiyan eh," ssbi ni Chona.

"Baka i-CS din ako," natatakot na sabi ni Madrid at humarap kay Elias saka hinawakan ang kanang braso nito. "Ayaw kong hiwain sa tiyan na parang baboy."

Mahinang pinitik ni Elias ang ilong ng dalaga.

"Kaya dahan-dahan ka sa pagkain ha. Wag pasobra sa sweets and rice. Kapag makatikim ka, stop na."

"Pero hirap man kasi pigilan lalo na sa paglilihi," sabat ni Chona.

"True!" pagsang-ayon ni Madrid. "Naglalaway talaga ako tapos sinisingil pa 'yan kahit hating-gabi."

"Wait," ani Chelsey na napakunot ang noo. "Are you pregnant?"

"Oo nga! Oh my ghad!" bulalas ni Chona nang ma-realize ang topic nila.

Napatutop din sa bibig si Madrid. Nakalimutan niyang hindi pala nila alam. Kasi dapat surprise yun sa wedding day nila.

"Mag-two months na," pag-amin ni Elias nang hindi makapagsalita si Madrid.

"Pero wala pang nakakaalam kaya secret na muna natin 'to ha," ani Madrid. Tutal alam na rin nila, sila na rin ang pagplanuhin niya ng surprise announcement at maisama sa program.

"Hala, congrats!" masayang sabi ni Chona.

"Oo nga, congrats kahit na naunahan mo pa ako," ani Chelsey.

"CR lang ako," paalam ni Madrid.

"Alam mo kung saan?" tanong ni Elias. "Samahan na kita."

"Oo," sagot ng dalaga at tumayo saka tumungo sa banyo. May tatlong cubicle sa loob kaya pumasok siya sa isang nakabukas.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon