Unedited...
"Oh? Kamusta raw ang check-up mo?" tanong ni Kaitlyn nang lumabas sila. Naghihintay rin sa kanila sina Faith at Emma.
"Wait pa niya ang blood result pero medyo matagalan pa kaya uuwi na muna tayo. Balikan na lang," sagot ni Elias.
"For sure wala namang sakit 'yan," bulong ni Emma na hindi nakaligtas sa pandinig ni Madrid.
"Guys, I'm pregnant!" masiglang pag-amin ni Madrid.
"Kyah! Seryoso?" tili ni Kaitlyn sabay hawak sa kamay ni Madrid. "Oh my gosh! Magiging tita na ako?"
"Yes," sagot ni Madrid at ngumiti pero inirapan niya si Orange nang makitang salubong ang kilay nito na halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"Is it true, Elias?" tanong ni Faith na kay Elias nakatingin.
"Yes," sagot ni Elias saka inakbayan si Madrid. "She's pregnant."
"At sino ang ama?" agad na tanong ni Emma.
"Gusto mo bang maputulan ng dila?" agad na tanong ni Madrid. Makatanong akala mo maraming alam sa buhay niya.
"Ako," pag-ako ni Elias. "Wala namang ibang lalaking nakagalaw sa kanya, ako lang."
"Are you sure?" muling tanong ni Emma.
"Hindi ako pumapatol sa babae," sabat ni Orange. "Baka ngayon lang. Kung pa pampam kayo, 'wag ninyong igaya ang pinsan ko sa inyo! Mas kilala ko siya kaysa sa inyo!"
"Bakit? Inggit kayo?" tanong ni Madrid sabay hawak sa tiyan at ipinulupot ang mga kamay sa braso ni Elias. "May baby na tayo kaya dapat ingatan natin siya ha. For now, hindi pa naman ako sensitive kaya okay lang."
"Don't worry, hindi kita pababayaan at i-stress-in," sabi ni Elias at napangiti. Pansin niya ang pagtaas ng kilay ng magpinsang kaharap nila.
"I know," pagsang-ayon ni Madrid. "You know what? You're lucky enough to have me kasi nang magkakilala tayo, you've made the most delicious wine in Europe—I mean, whole world! Taste of Madrid!" taas noong sabi ng dalaga para mas mainis ang dalawa.
"Tara na, uwi na tayo," yaya ni Orange na hindi maipinta ang mukha. Mula noon, ayaw niya ng ganitong away babae dahil nakaka-stress.
"Okay, let's go, cousin!" masiglang yaya ni Kaitlyn. "Oh, be careful. Yung baby."
"Tara na, uwi na tayo," yaya rin ni Emma kay Faith. "Baka mamaya mapano ka sa hotel mo at bigla ka na lang makitang walang malay just like before," sabi niya.
"Okay lang, kaya ko naman," ani Faith at ngumiti sa pinsan para hindi na ito mag-alala.
"Elias, baka pwedeng—" Emma.
"Isama mo sa bahay si Faith at ikaw ang mag-alaga," sabat ni Madrid. "Dahil nahihilo pa ako kaya kailangan ko ang ama ng baby ko. Kung mapano 'yang pinsan mo, responsibilidad mo 'yan! Tapos na ang contract niya sa amin kaya out na kami!"
"True. Wag nyo nang obligahin pa si Elias," pagsang-ayon ni Kaitlyn. "Dami na niyang iniisip kaya wag ka nang dumagdag pa, Faith. I'm sure naman naunawaan mo ako."
"Okay lang ako, Emma. Nawala na ang hilo ko," ani Faith na hinintay na tumutol si Elias pero hindi nito ginawa. Ganito na ba siya ka walang halaga sa binata? Dati kasi, palagi itong nag-i-insist na samahan siya or ihatid. Hindi naman niya ito masisisi dahil kasalanan naman talaga niya pero wala na ba talagang concern? Totoo bang mahal na nito si Madrid? Napasulyap siya sa tiyan ni Madrid. Wala pa namang bukol kaya umaasa pa siyang fake lang ang lahat at gawa-gawa lang nito para asarin siya. Or maybe kasabwat ito ni Elias para ipamukha sa kanyang okay na ang binata kahit na ang totoo ay hindi naman? Sabi naman ni Emma for business lang ang relasyon nila.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...