23

4.7K 297 66
                                    







Unedited...






"Umalis na ba si Impa?" tanong ni Madrid kay Shiela.

"Sinong Impa, madam?" tanong ng assistant dahil wala naman silang ganung empleyado.

"Impakta!" sagot ng dalaga. "Pumasok siya kay Elias eh."

"Ah," wika ni Shiela at ngumiti. "Nako, madam. Lumabas na pero sa office ata ng pinsan niya."

"Isa rin yang Impakta number two eh! Magpinsan nga sila!" gigil na sabi ni Madrid. "Tapos na ang nasa kontrata, bakit pa siya nandito sa Europe?"

"Balita ko mag-stay pa siya ng two weeks dito dahil may pinirmahan na namang kontrata sa ibang brand tapos dito daw gaganapin ang photoshoot," sabi ni Shiela.

"Ugh! Ibig sabihin tatagal pa siya? Nagsasawa na ako sa pagmumukha niya!" ani Madrid at kinuha ang Pringles saka kinain.

"True, madam. For sure gusto na namang makipagbalikan kay Sir Elias. Pinu-push pa na sa kanya inspired ang wine na gawa ni Sir kaya ayun, pahiya sila," ani Shiela at sinundan ng tawa.

"Kuha lang ako ng milktea sa cafeteria," sabi ni Madrid at tumayo.

"Ako na madam."

"Gusto kong maglakad kaya ako na. Maupo ka rito at kukunan  din kita."

"Sure ka, madam? Hindi ka magbabawas sa sahod ko ha," pabirong tanong ni Shiela pero pinandilatan lang siya ni Madrid at iniwan.

"Two Mr.Blueberry, please," sabi niya sa nagtitinda at hinintay ang milktea.

Nang ibigay ay agad niyang binitbit at lumabas sa cafeteria pero nakasalubong niya si Faith na patungo sa cafeteria.

"Hi," nakangiting bati ni Faith na kunwari ay close sila.

"Hello," bati rin ni Madrid at matamis na ngumiti. Syempre kayang-kaya niyang sakyan ang pagiging plastic ng kaharap.

"Masarap ba ang milktea nila?" tanong ni Faith.

"Oo naman. Wanna try? Sa 'yo na ang isa," sagot ni Madrid sabay abot ng isang milktea.

"Oh, sure ka? Ah, oo nga pala. May tiwala naman ako sa taste mo. Same lang tayo ng taste eh," makahulugang sabi ni Faith.

"Oo naman. Same lang tayo ng taste kaso allergic ka sa iba kong taste eh," nakangiting sabi ni Madrid.

"Thank you," ani Faith na nawala ang ngiti sa mga labi sabay kuha ng milktea. "Depende sa taste. Kaso ang pinagsawaan ko, gustong-gusto mo."

"Oo naman!" proud na sabi ni Madrid. "Mas masarap kapag rebranded, right? Parang si Elias, sinuka mo na, isusubo mo pa ulit."

"Rebound ka lang ni Elias," taas noong sabi ni Faith na ayaw na ring makipagplastikan pa. "Tingin mo gusto ka niya? Tingin mo kaya mong pantayan ang pagmamahal niya sa akin? No! Ako pa rin ang mahal niya, Faith! Panakip-butas ka lang."

"Talaga ba? Bakit hindi mo itanong sa kanya 'yan?" ani Madrid.

"Oh, shit!" malakas na tili ni Faith na ikinagulat ni Madrid dahil natapon ang hawak nitong milktea at sa damit talaga niya nabuhos.

"Hindi mo kasi hinawakan nang mabuti kaya natapon sa damit mo," sabi ni Madrid.

"A—Ano ba ang kasalanan ko?" naiiyak na tanong ni Faith kaya napataas ang kanang kilay ni Madrid.

"Is everything okay?" tanong ni Elias na palapit sa kanila.

"I'm fine," tugon ni Faith sabay pagpag ng damit. "Hindi naman niya sinadyang matapunan ang damit ko." Na ang tinutukoy ay si Madrid.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon