Unedited...
Nagising siya na parang may nakadagan sa likod niya.
"Madrid?" aniya nang gumalaw ito na nakapulupot ang kamay sa bewang niya saka nakasubsob ang mukha sa likod. Napailing siya. Kagabi lang, halos sipain na siya nito para lumabas sa kwarto pero ngayon, nakipagsiksikan ito sa maliit na sofa.
"Hmm! I'm sleepy," sabi ng dalaga nang maiangat na inalis ni Elias ang kamay nito para sana tumayo.
"Akala ko ba ayaw mo akong makatabi?" tanong ng binata saka humarap sa dalaga.
"I'm scared," nakapikit na wika ni Madrid kaya napangiti si Elias at masuyong hinalikan siya sa noo.
"Morning," ani Elias.
"Morning," antok na sagot ng dalaga.
"May opisina pa ako," ani Elias na hindi gumagalaw dahil baka magalit si Madrid.
"Bakit? Nandito tayo para sa kasal."
"One week lang dahil nakiusap si Eliaza na magbabakasyon muna siya sa Amapulo kaya pinayagan ko na," sagot ni Elias. "Naaawa rin ako sa kanya dahil ang stressful ng company at hindi pa siya sanay."
"Gusto ko pang matulog!" sabi ni Madrid at tinalikuran si Elias.
"Maghahanda lang ako ng makakain," paalam ng binata saka tumayo at nag-toothbrush muna saka naghanap ng maiulam habang nakasalang ang sinaing.
Nagluto siya ng tinolang manok at isda. Nang maluto ay naligo siya at lumabas. Saktong gising na si Madrid at nakaupo sa sala.
"Kakarating lang natin, trabaho ka na naman," nagtatampong sabi ni Madrid.
"Sorry."
"It's okay," sabi ni Madrid na sinusubukang unawain ang binata kahit na labag sa loob niya. May consideration pa naman siya dahil ang bait ni Elias. Alam niyang sumusobra na siya minsan kaya sinububukan din niyang mag-adjust at unawain ito sa abot ng kanyang makakaya pero lately, medyo nahihirapan na siyang magpigil.
"Tara, kain na tayo," yaya ni Elias kaya sabay na silang kumain.
"Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako ha. At tingnan mo na ang designs ng gown na pinadala sa 'yo kung magugustuhan mo."
"Okay," pagpayag ng dalaga.
"Marami ba ang bisita natin?" tanong ni Elias kaya napataas ang kanang kilay ni Madrid.
"Tingin mo?" baliktanong ni Madrid. Sa Villafuerte pa lang, mapupuno na nila ang venue paano pa kaya kapag magdagdag ang mga Lacson, Rodriguez at Montemayor? Plus pamilya pa ni Elias. "Isa pa, may ini-invitw daw si Tita Ash na kasama niya sa charity so isama natin sila sa bilang ng guest."
"So good for one barangay dapat na handaan," sabi ni Elias. Syempre kailangan nilang mag-isip dahil ayaw naman niyang mabitin sa pagkain. Mamaya kulang tapos i-tsismis pa sila ng mga bisita. Naisipan na niyang magpakatay ng limang baka, tatlong malaking baboy at sampung lechon baboy plus 100 lechon manok.
"Mga ganun na nga," sabi ni Madrid.
"Okay. Gown muna at mga isusuot ng abay ang unahin natin. Basta ikaw na ang bahala sa motif at damit, okay?" aniya saka nilagyan ng ulam ang plato ni Madrid at nagsimula nang kumain.
Nang matapos kumain, umalis na siya para pumunta sa opisina.
"Morning, sir. Long time no see," nakangiting bati ni Carmen na secretary ni Eliaza.
"Hello, Carmen," bati niya. "Kumusta naman ang company?"
"Nako, sir. Wag mo na pong itanong," sabi ni Carmen. "Alam mo na 'yun."
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...