37

3.9K 241 38
                                    










Unedited...








"Elias," malumanay na sabi ni Kaitlyn nang lapitan ito sa pavilion. "Hey, kausapin mo naman ako oh."

"Gusto kong mapag-isa, Kaitlyn!"

"It was a joke," paliwanag ni Kaitlyn. "I mean, hindi ko naman kasi inaasahan na—" nahihirapan siyang ipaliwanag. "Kasi ganito 'yan. Naaawa talaga ako sa 'yo noon tapos ayun na nga, pumayag ka na pumuntang Spain tapos nagka-videocall kami ni Madrid at sinabi kong pupunta ka ng Spain. Gusto lang naman kitang ireto sa kanya noon."

"Ireto? Na may kasamang pustahan, Kaitlyn? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Pinsan kita, Kaitlyn! Kung may babae mang manloko sa akin, ikaw  ang pinakahuli kong maisip!" sumbat niya.

"G—Gusto lang kitang tulungan, Elias. Awang-awa ako sa 'yo noon at gusto kong makalimutan mo si Faith."

"Sa ganitong paraan, Kaitlyn? Sa isang pustahan? Pinsan kita! Pinagkatiwalaan kita sa lahat ng bagay pero ano ang ginawa mo? Ikaw pa mismo ang nanguna sa panloloko sa akin!"

"Hindi ko alam..." naguguluhang sabi ni Kaitlyn. "A—Akala ko alam mo na. I mean—"

"You mean what?" bulyaw niya pero napahilamos nang makita ang takot sa mga mata ng pinsan. "Please, umalis ka muna sa harapan ko."

"Si Madrid, unawain mo naman muna siya at pakinggan," pakiusap ni Kaitlyn.

"Ano pa ba ang dapat kong pakinggan, Kaitlyn?"

"Alam kong mahal mo si Elias," sabi ni Kaitlyn.

"Yun nga ang problema minahal ko siya pero ang tanong, minahal din ba niya ako?" malungkot na wika niya. "Akala ko iba siya. Akala ko kahit na mataray siya at spoiled brat, hindi siya manloloko."

"Just give her time to explain. Listen to her, okay?" pakiusap ni Kaitlyn at tinapik sa balikat ang pinsan. "Kahit para na lang muna sa anak ninyo."

Iniwan na muna niya si Elias at bumalik sa loob.

"Oh? Nakausap mo na pinsan mo?" tanong ni Orange.

"Gusto niyang mapag-isa. Orange, nasaktan ko siya," sabi niya at tumulo ang mga luha. "G—Gusto ko siyang i-comfort pero ako ang may mali. Ako ang may kasalanan ng lahat."

"Tahan na," sabi ni Orange at niyakap ang asawa. "Hayaan mo na silang mag-isip muna."

"M—Mapapatawad pa kaya niya ako?" nabahalang tanong niya habang nakatingala sa asawa.

"In God's perfect time," sagot ni Orange. Kung siya si Elias, baka nasakal na niya ang dalawang babae sa galit. Pasalamat pa nga ang mga ito, never nagwala si Elias. "Mahaba ang pasensya ni Elias kaya for sure maghihintay siya sa paliwanag ni Madrid."

"Si Elias?" tanong ni Madrid kaya naghiwalay ang dalawa. "Oh? Ba't parang namatayan kayo?"

"Ipaliwanag mo kay Elias ang lahat, Madrid," sabi ni Orange.

"Ayoko ng stress, Dalandan! Napaka-sensitive naman niya!"

"Do not invalidate his feelings!" ani Orange.

"Uuwi na kami," sabi ni Madrid. "Where's he?"

"Nasa pavilion," sagot ni Kaitlyn kaya lumabas si Madrid at pinuntahan si Elias. Nakita niya itong nakaupo at nasa malayo nakatingin.

"Gusto ko nang umuwi," sabi ni Madrid kaya napatingin sa kanya si Elias. "Pagod na ako, gusto ko nang mahiga sa kama natin." Pagkatapos sabihin ay tumalikod si Madrid at tumungo sa sasakyan nila.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon