Unedited..
Nang dumating sa hospital, pareho silang na-emergency. Marami ang tao kaya pinahintay na muna sila ng doktor at kinuhaan ng vital signs.
"Wag ka ngang mag-inarte! Hindi bagay sa 'yo," sabi ni Emma habang inalalayan si Faith. Magkatabi silang tatlo at si Emma ang nasa gitna nila.
"Hindi kasi ako artista kagaya nyo," sagot ni Madrid. Tapang nito, patalsikin na kaya niya sa company? Kaso hawak nito ang financing kaya paimbestigahan niya muna at kung okay naman, goodbye na tong si Emma impakta.
"Tingin mo nagdadrama lang si Faith?" tanong ni Emma.
"Wala akong sinabi," sagot ni Madrid at napahawak na naman sa bibig at nag-arteng nasusuka. "Tingin ninyo, nagdadrama lang ba ako?"
"Oo!" sagot ni Emma.
"Emma, hayaan mo na siya," mahinahong saway ni Faith sabay hawak sa kamay ng pinsan.
"Nag-iinarte lang naman siya kasi ayaw niyang masapawan."
"Masapawan saan? Sa sakit? Ay, solohin n'yo na!" sabat ni Madrid.
"Kunwari lang naman na nasusuka siya eh, wala namang sinusuka," ani Emma. Hindi naman siya pwedeng magkamali lalo na't ngumisi pa si Madrid sa kanila habang buhat ni Elias kanina. Nang-aasar lang.
"Symptomatic ang nausea at ako lang ang nakakaramdam niyan!" mataray na sabi ni Madrid. Eh kung sukahan kaya niya ang mga 'to sa mukha?
"Duh? Palusot lang," ani Emma.
"Pakialam mo? Malay n'yo, buntis ako!" taas noong sabi niya para asarin ang dalawa.
"So? Eh di congrats kung buntis ka. For sure di mo kilala ang ama," sabi ni Emma.
"Sino ba ang boyfriend ko ngayon?" nakataas ang kilay na tanong ni Madrid.
"At talagang mandamay ka pa ng ibang tao ha. Excuse me, hindi ganyan si Elias. May respeto siya sa mga babae. Ikaw lang talaga ang malandi. Asa ka naman na patulan ka niya," ani Emma. Masyadong gentleman si Elias at alam ng lahat 'yan lalo na ang pamilya nila.
"Sa pagkakilala ninyo. Iba siya pagdating sa akin. Palibhasa mga fake kayo!" sabi ni Madrid at napatingin sa dadaan na doktor.
"Doc Ivan!" tili niya sabay tayo.
"Oh, hey! Madrid," nakangiting sabi ni Ivan saka nakipagbeso-beso sa dalaga. "Long time no see. How are you?"
"I'm still pretty," nakangiting sagot niya saka hinila ang doktor palayo kina Emma.
"Who are they?" tanong ni Ivan na ang tinutukoy ay sina Emma at Faith.
"El siervo de Satanás escapó del infierno" (kampon ni Satanas na nakatakas sa impyerno)," sagot niya kaya natawa si Ivan.
"todavía no has cambiado(hindi ka pa rin nagbabago)," ani Ivan. "By the way, what are you doing here?"
"Checkup," sagot niya. "Bye. I won't disturb you anymore. I know you're busy."
"Not so but—" napatingin si Ivan kay Elias na dumikit kay Madrid. "Do you know him?"
"I'm her boyfriend," sabat ni Elias sabay akbay kay Madrid at pasimpleng hinila para magkadikit ang mga katawan nila na para bang nagsasabing taken na niya ang dalaga. "Right, Madrid?"
"Yeah!" pagsang-ayon ng dalaga at nginitian ang kaharap.
"Okay. Bye, Madrid. Nice to see you."
"Nice to see you too," sagot ng dalaga at sinundan ng tingin ang kaibigang palayo na sa kanila.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...