Thank you so much po sa suporta mula umpisa hanggang dulo.
Unedited...
"Gurl, nabalitaan mo na ba?" tanong ni Kaitlyn nang magkita sila sa isang fastfood malapit sa condo nina Madrid.
"Ang ano?"
"Here. Look!" excited na sabi ni Kaitlyn kaya tiningnan ni Madrid ang cellphone nito. "See? Time is the ultimate truth teller talaga."
"Ikaw na naman ang may kagagawan niyan?" tanong ni Madrid.
"Eh? Hindi ah," tanggi niya.
"Eh sino?" nagtatakang tanong niya. Isa kaya sa mga Villafuerte?
Lumabas ang mga litrato nina Faith at Daniel at may date pa ilang years ako na. Yung sa Cebu na bakasyon, Boracay at Siargao. Ang iba ay kuha sa private resort nina Daniel sa Batangas. Mayroon pa ngang naghahalikan sila kaya nagulantang na naman ang mundo ng social media. Ang dami pa naman vloggers na sumasakay sa issue para dumami ang views at ma-monetize.
"Malay ko. Nakikibasa lang ako," sagot ni Kaitlyn. "Grabe, sobrang tagal na pala nilang niloloko ang pinsan ko! Kapal ng mukha! At ito," ani Kaitlyn. "Birthday to ni Elias eh! Kaya pala wala siya noon tapos ang sabi, may sakit daw ang pinsan kaya hindi makapunta. Cousin! Iyon pala kasintahan! Grabe na talaga!" gigil na sabi niya.
Isa-isang tiningnan ni Madrid ang mga litrato. Ang iba ay kasama pa ang barkada ni Daniel sa isang inuman habang magkaakbay ang dalawa at kulang na lang ay maghalikan sa harap ng mga ito. Three years ago na ang litrato.
"Ang tagal pala talaga ng panago nilang pakikita," sabi ni Faith. "At himalang hindi iyon napansin ni Elias," sabi ni Madrid na nakaramdam ng awa sa kasintahan. "Maldita ako pero hindi ko to magagawa."
"Eh kasi naman buo ang tiwala ni Elias at hindi mo nga talaga mapapansin si Faith kasi kapag magsalita, maniniwala ka talaga. Yung kilos at salita niya, manipulative," sabi ni Kaitlyn. Kahit na siya, nabiktima rin naman ni Faith. Hindi lang pala siya kundi ang buong pamilya nila. "Dagdagan pa ng mga kunsintidor na mga kaibigan. Kaya pala ayaw talaga ni Orange sa kanya."
"Si Orange raw ang nagsabi?" tanong ni Madrid.
"Oo. Kung hindi dahil sa kanya, baka hanggang ngayon nagpapakabaliw pa si Elias sa sinungaling na Faith na iyon!"
"Hmm? Kung sabagay, mahilig kasing mag-party si Orange noon," wika ni Madrid.
"Uy, lumabas na pala ang chika nang pumunta kayo sa Ob," nabahalang sabi ni Kaitlyn. "Paano 'yan? Ano ang plan mo eh, alam na nila?"
"Tinatawagan na nga ako ng parents ko eh," sabi ni Madrid. "Haist! Kainis!"
"Paano 'yan? I-deny mo ba?"
"Kapag i-deny ko, wala namang thrill pa na magpa-party pa dahil may idea na sila. Kumbaga wala na ang excutement kasi expected na rin nila e."
"Kaya nga," nanghihinayang na pagsang-ayon ni Kaitlyn.
"Hayaan mo na. Eh may mga tsismosa talaga e. Ganito pala rito sa Pinas, wala kang privacy kahit na hindi ka naman celebrity."
"Sinabi mo pa!" napailing na wika ni Kaitlyn. "Kami nga ni Orange, pinag-uusapan din dahil nadawit ang pangalan ng mokong kay Steffi."
"Ako rin na walang pakialam sa showbiz, nadamay dahil kay Elias. Si Faith kasi kung ano-anong pinapapasok sa kukute ng followers niya eh!"
"Mga paniwalain kasi sila," sabi ni Kaitlyn.
Nag-usap pa ang dalawa at nang dumating na si Orange para sunduin si Kaitlyn ay nagpaalam na sila sa isa't isa.
"Saan ka galing?" tanong ni Elias nang pumasok si Madrid.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...