Unedited...
"Hi, good evening po," bati ni Elias nang pumasok sa bahay nina Madrid.
"Good evening," bati ni Angela. "Pasok ka. Nasa balcony sina Kaitlyn. Puntahan mo muna sila, hijo at mag-aayos ako ng dinner natin."
"Thank you po," ani Elias at tumungo sa balcon.
"Hello, Elias!" masiglang bati ni Kaitlyn at tumayo saka mahigpit na niyakap ang pinsan.
"Hello, Ponkan," bati niya sabay abot ng gift sa pamangkin na nakakalong kay Madrid.
"For me?" inosenteng tanong ng bata habang nakatingala sa kanya.
"Yes, for you," sagot ni Elias at naupo sa tabi ni Madrid. "Hindi mo na naman sinasagot ang tawag ko," bulong niya.
"Wala ako sa mood!" sagot niya sabay irap kay Elias.
"Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga ang mood ng magiging mommy," nakangiting sabi ni Kaitlyn at humarap kay Madrid. "Sinabi mo na ba sa parents mo?"
"No," sagot ni Madrid. "My dad will kill me."
"Hindi a. Baka matuwa pa nga," sabi ni Kaitlyn.
"Sa umpisa lang ang galit niyan," sabi ni Kaitlyn. "For sure mas maunawaan ka nila. Mas matindi pa nga ang sa akin dahil ayaw talaga ni Daddy kay Orange noon."
"Uy, mahal kaya ako ni Daddy Ace," sabat ni Orange.
"Mahal? Kaya pala muntik ka nang mamatay," sabat ni Elias.
"Part yun ng pagtanggap niya sa akin. Kung sa frat pa, initiation ko yun," ani Orange. "Wag kang mag-alala, sabihin ko kay Tito Dust na bugbugin ka rin tapos tuluyan na."
"Grabe ka sa pinsan ko!" ani Kaitlyn sabay kurot sa tagiliran ng asawa.
"Talagang magwawala si Tito Dust kapag malaman niyang nabuntis mo si Madrid!" ani Orange. "Baka nga hindi ka na makauwi ng Pinas na buhay." pananakot niya.
"Hindi naman ganoon si Tito Dust. Isa pa, ayaw niya na mawalan ng ama ang apo niya no," pagtatanggol ni Kaitlyn sa pinsan. "Elias, uuwi na kami bukas kaya ikaw na ang bahala kay Madrid ha. Wag mo siyang pabayaan dahil buntis siya. Ang hirap kayang maglihi."
"Talagang mahirap ba?" sarcastic na tanong ni Orange. Siya kaya ang naglihi.
"I mean yung pag-iri. Ang sakit kaya," ani Kaitlyn.
"Nevermind! Kaya kong alagaan ang sarili ko!" taas noong sabi ni Madrid. Wala siyang aasahan kay Elias dahil akala nito ay nag-aarte lang siya. Tamad din siyang mag-explain sa tangang tao. Ayaw rin niyang umamin na at itama ang iniisip nito. Bahala ito sa katangahan at kabobohan.
"Wag mong sabihin 'yan. Kakailanganin mo talaga si Elias," sabi ni Kaitlyn. "At ikaw naman, Elias. Ngayong maging ama ka na, dapat medyo bawas-bawasan mo yung pagiging suplado mo. Alam ko namang mahaba ang pasensya mo kaya kayang-kaya mo na 'yan si Madrid." Napatingin sila kay Orange na muntik nang mabilaukan dahil tatawa sana.
"May naalala lang ako," dahilan ni Orange.
"Nanay? Can we go to the garden?" tanong ni Ponkan.
"Sure. Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Kaitlyn saka tumayo.
"Sama na ako," sabi ni Madrid dahil ayaw niyang makita si Elias kaya naiwan ang dalawang lalaki sa balcon.
"Wag mong lokohin ang pinsan ko," seryosong sabi ni Orange.
"Mukha ba akong manloloko kagaya mo?" sagot ni Elias.
"Hoy!" tumaas ang boses ni Orange. "Hindi ako manloloko. Never akong nangaliwa no! At isa pa, si Kaitlyn ang nakakuha ng virginity mo! Inakin lang niya ako!" May pagmamalaki ang boses na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...