Unedited...
"Oh, hello, Elias!" masiglang bati ni Sky nang pumasok ang binata.
"Hello po, lolo Sky, good evening," bati ni Elias sa lolo ni Madrid. Kahit na nagkakaedad, hindi pa rin maikaila ang kakisigan ang kagwapuhan nito lalo na't nakabakas ang pagiging masayahin sa mukha. Sa katunayan, idol niya ito pagdating sa negosyo dahil ang mga manggagawa sa toy factory ay mga PWD o may kapansanan. Malaki ang tulong nito sa mga may kapansanang gustong maghanap-buhay kaya blessed din talaga ang business nito. Ito na ang pinakamalaking toy factory sa buong Asya. "Susunduin ko ho lang si Madrid."
"Nasa kusina kasama ang mga pinsan. Dito na kayo mag-dinner. Naghanda ang Lola Taira ninyo."
"Ganoon ba?"
"Oo, nag-iihaw sila ang iba sa labas. Tara, inom muna tayo. Sakto at matikman naman namin ang pasalubong ninyo galing Spain," yaya ni Sky. Marami silang anak na tinawag niyang team Galaxy dahil sa kakaibang pangalan. Sina, Clouds, Sun, Moon, Star, Matter at ang ama ni Madrid, si Dust. Tapos ang nag-iisa nilang anak na babae. Lahat sila ay IVF babies dahil nahirapan noong magbuntis si Taira.
"Kain muna tayo bago kayo uminom," sabi ni Seola na lumapit at nginitian si Elias. "Nako, ang swerte ni Madrid sa 'yo dahil napakabuti mong bata." Nakikita na kasi nila ito kapag may party. Tahimik lang si Elias at masunuring anak kaya hindi rin nila inaasahan na isang Villafuerte ang papakasalan nito.
"Ready na ba ang dinner?" tanong ni Sky.
"Opo," sagot ni Seola kaya pumunta sila sa dining room.
"Elias," ani Madrid.
"H—Hi," naiilang na bati ng binata dahil puro Villafuerte ang kaharap.
"Mabuti naman at maaga kang dumating," ani Madrid saka tumingkayad at hinalikan sa mga labi si Elias.
"Walang traffic," wika ng binata na nanlalamig ang mga paa sa hiya. Ang awkward lalo na't hindi siya sanay sa ganito at sa harap pa ng mga Villafuerte. Nagki-kiss din naman sila ni Faith noon kapag magkita o maghiwalay in public pero sa pisngi lang.
"Tara na, kain!" yaya ni Taira sa mga apo kaya nagsiupo sila sa mahabang mesa. Si Chummy na ang nag-lead ng prayer.
"Madrid, kailan ba uuwi si Dust?" tanong ni Clouds.
"Baka nextweek po, tito," magalang na sagot ni Madrid.
"Ayos! Masaya na naman ang team galaxy," sabi ni Clouds.
"Oh, siya, kain na tayo," sabi ni Taira. Palaki na nang palaki ang pamilya nila.
"Wala na bang talangka?" tanong ni Sun. "For sure gusto ni Madrid ng crabs."
"Crab-in ko mukha mo, gusto mo?" sabat ni Clouds sa kapatid.
"Tama na nga 'yan!" saway ni Sky sa mga anak. "Kain na kayo!"
"Ano? Inuman na tayo?" tanong ni Sun nang maubos nito ang nasa plato. "Elias, mamaya na kayo umuwi. Dito na kayo matulog."
"Tito, uuwi na po kami," sabat ni Madrid. "Masama ho kasi ang pakiramdam ni Elias, may jetlag pa."
"Wala naman—ouch," daing ni Elias nang kurutin siya ni Madrid sa kanang hita. Yung kurot na tila matanggal ang balat niya.
"Kanina pa nga po sana kami uuwi pero pinagbigyan lang niya ang invitation ni Lola Taira," ani Madrid kaya napatingin sila kay Elias.
Gusto na ni Elias magpalamon sa lupa. Hindi naman masama ang pakiramdam niya eh. Kaso inapakan ni Madrid ang paa niya.
"Ah, opo. Ngayon na ulit ako nagbiyahe nang mahaba kaya medyo may jetlag pa," ani Elias sabay kagat sa dila. Hindi naman siya sinungaling e.

BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...