Rodriguez series...
Sa mga baguhan, here's the list of Rodriguez series. Hindi lang maganda ang pagkakasulat kasi mga naunang stories ko yan at copypaste lang 'yan dito sa acct na to kaya naiba ang format.
1.Ang Ambisyosang palaka (Aira/Tyron Rodriguez)
2. My trip buddy(Tairah R./Sky Villafuerte)
3. Oh Mandy (Mandy/Aron Rodriguez)
4. Babysitting the blind playboy(Jairah R/Angelo Rivera)
5.Mali ba ang ibigin ka (Angela/Dust Villafuerte)Unedited...
"Jeanie, pakisampal ako," sabi ni Madrid nang pumasok sa opisina. Dalawang oras matapos silang mag-usap ni Elias pero hindi pa rin siya makapaniwala. Pinalakasan niya ang electric fan at binuksan ang bintana para makahinga nang malalim. "Oh, gosh! Bakit hindi mo sinabi na siya pala ang CEO?"
"Hindi ko rin talaga alam, madam," sagot ni Jeanie na hiyang-hiya rin sa nangyari dahil narinig niya ang sinabi ng boss sa loob ng elevator tungkol kay Elias. "Teka, akala ko ba magkakilala na kayo? Di ba close kayo? Nag-uusap pa nga kayo eh."
"Haist. Nevermind!" sabi ni Madrid at naupo sa swivel chair. "Bili mo na lang ako ng food. Gusto kong kumain."
"Saan ba, madam?"
"Jollibee. Magpahatid ka sa driver para mabilis. Gusto kong kumain ng burger at spaghetti."
"Okay, madam," ani Jeanie at agad na tumalima kaya napahilamos si Madrid sa mukha. Ipinikit nya ang mga mata pero agad na napapadyak nang maalala ang pinaggagawa at pinagsasabi niya sa Segovia kay Elias. Siguro pinagtatawanan siya nito? Napagkamalan pa niyang nangangalimos ito.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang pinsan.
"Oh?" sagot nito.
"Busy ka?" nakalabing tanong niya.
"Nagpapaligo ng bata," sagot ni Orange. "May kailangan ka?"
"Ba't hindi mo sinabi na nandito na pala itong pinsan ng asawa mo?" sumbat niya.
"Sinabi kong pupunta naman siya ah. Kumusta?"
"Suplado ba 'to?" tanong niya.
"Tingin mo?" balik-tanong ni Orange. "Hep! Wag kang tumakbo!" saway nito sa anak na nagtatakbo sa loob ng kwarto.
"Ba't di mo pa sundan 'yan?"
"Sa susunod na. May sasabihin ka pa? Magpapaligo na ako."
"Tell me about Elias."
"Ewan ko."
"Anong ewan mo? Cousin-in-law mo na siya ah."
"Di kami close."
"Ha? Suplado?"
"Hindi ko alam. Basta mag-ingat ka, brokenhearted 'yan," natatawang sabi ni Orange. "Sige na, bye."
"Teka!" may sasabihin pa sana niya pero tinapos na ni Orange ang tawag.
Nakaidlip na sana siya nang may kumatok.
"Get in!" sigaw nya.
"Hola, madam," magalang na bati ni Benjo.
"Hola," bati rin niya. "May kailangan ka?"
"Madam, pinapatawag ka ho ni Boss."
"Ha? Kakausap lang namin ah," ani Madrid.
"Kasi—"
"I'll talk to him. Thanks," sabi niya at lumabas saka tumungo sa opisina ni Elias.
"Hola," bati niya sa binatang nakatingin sa folder na hawak. "Gusto mo raw akong makausap." Hindi na siya nagsabi pa. Naupo siya sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...