26

4.2K 258 59
                                    







Unedited..










"Madam," ani Benjo nang pumasok sa opisina ni Madrid. "Hola."

"Hola. May kailangan ka?" tanong ni Madrid at tinago ang binabasang blood result niya kahapon. Confirmed. Four weeks pregnant nga siya.

"Pinapabigay ho ni sir," sagot ni Benjo sabay kapag ng chocolate sa table ng dalaga.

"Hindi ako humihingi ng chocolates," sabi ng dalaga.

"Pinapaabot lang ho niya. Baka raw kasi kailangan mo dahil—ganun naman talaga kapag may bisita kayo, right? Kailangan ninyo ng something sweet?" alanganing tanong ni Benjo dahil hindi na niya alam ang sasabihin. Medyo matapang ang mukha ni Madrid ngayon.

"Bisita? Wait! Hindi kita maintindihan."

"Ahm... madam—" napakamot si Benjo sa ulo. "Iniisip kasi ni Boss na baka—mayroon kang dalaw kaya medyo hindi kayo nagkakaintindihan."

"You mean, iniisip niyang dumating ang monthly period ko?"

"Y—Yes, madam."

"Saan siya?" gigil na tanong ng dalaga sabay hampas sa mesa.

"Sa opisina ho."

"Okay!" aniya saka dali-daling lumabas.

"Madam—" tawag ni Benjo at sinundan ang dalagang gigil na binuksan ang pinto. Susunod pa sana si Benjo pero ang lakas ng pagkasara ni Madrid kaya napapreno siya at pumunta sa cafeteria para magkape na lang muna dahil mukhang hindi maganda ang mangyayari sa loob.

"Gosh! Hindi ka ba marunong kumatok at magsara nang maayos?" bulyaw ni Emma na kausap ni Elias.

"Hindi ka ba marunong umasta na employee kundi feeling boss?" baliktanong ni Madrid. "Sumusobra ka na, Emma ha! Lumayas ka sa kompanyang 'to."

"Madrid—" ani Elias.

"Hindi kita kinakausap, Elias! At mamili ka! Ako o yang si Emma?"

"So childish!" ani Emma.

"Please, lumabas ka na muna, Emma," pakiusap ni Elias. Ano ba ang ginawa niya at ganito ang hitsura ni Madrid na parang manlamon ng tao?

"No! Dito ka Emma at makinig ka!" ani Madrid at humarap kay Elias. "Una, hindi ko kailangan ang chocolates dahil wala akong period! Ilang beses ko bang sabihin na buntis ako, Elias! Four weeks pregnant ako!"

"I know," wika ni Elias. Nandito si Emma kaya for sure gusto lang nitong pag-usapan ang pagbubuntis kuno nito.

"No! Hindi mo ako naintindihan, Elias! Ayaw kong ma-stress! Bawal sa akin ang sobrang magalit!"

"Labas na ako," paalam ni Emma na hindi interesado sa topic ng dalawa dahil mukhang nagdadrama lang naman si Emma.

"Ano ba ang problema?" tanong ji Elias nang mawala na si Emma. "May gusto ka bang kainin?"

"Hindi pa ako naglilihi!"

"Wala na si Emma," ani Elias na gustong sabihing tama na ang pagkunwari nila dahil sila na lang.

"What the fuck!" pagmumura ni Madrid na hindi makapaniwalang nakatingin kay Elias. Huminga siya nang malalim para kumalma. "Nevermind!" pagsuko niya. "Right! Mayroon nga ako kaya wag mo 'kong kausapin! Wag kang lumapit sa akin hanggat hindi kita kinakausap, maliwanag?"

"Woman!" bulong ni Elias nang lumabas ang dalaga. Kinuha niya ang cellphone saka hinanap ang contact number ng flowershop para bumili ng white lilies para maipadala kay Madrid.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon