Prologue

3.3K 27 11
                                    

Natigilan ako ng makita siya. Tulad ko ay kitang kita ko rin ang gulat sa kaniyang mata, mabuti nalang ay napigilan kong mapa-singhap. Kailangan kong umakto na normal lang. Nanatili ang kamay namin iisang neck tie hanggang sa pareho kaming mahimasmasan at halos sabay na inalis ang kamay doon. Akmang tatalikod na ako pero narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Z-zaff,"

Tumikhim ako. "Hmm, bakit?"

"You can have it, if you want. ." tumikhim din siya.

"No, thanks. Pwede naman akong maghanap ng iba pa," kalmadong sabi ko kahit kumakalabog na ang dibdib ko.

"No, i mean. . you can have it, para saan ba?gift for someone?" tanong nito, hindi agad ako nakasagot. Hindi ako komportable sa ganitong pakikisama niya, na para bang normal lang lahat, na para bang walang nangyaring sa pagitan namin, na para bang hindi niya ako sinaktan.

"For my fiance," sagot ko.

Kitang kita ko kung paano yumukom ang kaniyang kamao pero hindi yun ang nakaagaw ng atensyon ko kung hindi yung itim na ponytail na nakasuot sa kaniyang pulsuhan. Bakit na sa kaniya pa rin yun?napansin niya yata ang titig ko doon kaya mabilis niyang binulsa ang sariling kamay. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin, hindi ako pwedeng magkamali, yun yung hair tie na kinuha niya sakin years ago nung na sa palawan kami.

"How are you?" he asked. "Tsaka, kailan kapa nakabalik?"

Bumalik ang paningin ko sa kaniya. Kinalma ko ang sarili ko, matagal ko ng hinanda yung sarili ko sa ganitong sitwasyon. Dapat wala na akong pakielam, dapat kaya ko ng kausapin at harapin siya ng wala ng sakit. Dapat kaya ko ng tignan siya ng wala ng nararamdaman pa.

"Okay na okay. . masayang masaya na," tipid akong ngumiti. "Last week lang. ." tumango siya. "Ikaw, kamusta?"

Ngumiti siya pero kitang kita ko yung lungkot sa mata niya. "Okay lang, masaya din," tumango -tango ako. "..pinipilit maging masaya. ." halos pabulong na pahabol niya.

"Good. Mabuti naman," tumalikod ako at akmang hahakbang na paalis pero napahinto ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking braso.

"Zaff,"

Nilingon ko siya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, pero nanatili akong kalmado at diretsang tumitig sa mata niya bago bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sakin. Para naman siyang napapasong inilayo ang sariling kamay.

"May kailangan kaba?"

"C-can we talk?" maingat niyang tanong.

"Nag-uusap na tayo, Reev."

"I mean. ." binasa niya ang pang-ibabang labi niya. ". . pwede ba tayong mag-usap in private?kahit sandali lang, Zaff. ."

Umiling ako. "I'm busy,"

He bit his lowerlip. Bumuka ang bibig niya mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya naituloy dahil may mas nauna ng boses ang pumukaw sa atensyon naming dalawa.

"Mommy!" tumakbo si Ziva palapit sa'kin, malapad ang ngiti nito habang may hawak na cotton candy, sa likod niya ay si Aldrich na naglalakad na rin palapit sa direksyon kung saan kami nakatayo.

"Baby. . diba, i already told you na wag tatakbo?baka madapa ka or hingalin." pangangaral ko ng tuluyan na siyang makalapit.

"I'm sorry mommy," ngumuso ito. Ngumiti naman ako at hinalikan siya sa pisngi.

Halos mawala sa isip kong nandito nga pala si Reev, kung hindi ko pa naalala ay hindi ko pa ibabalik ang paningin ko sa kaniya. Nakatitig siya kay Ziva na para bang  hindi na siya nagulat pero kitang kita ko ang kakaibang emosyon sa mata niya. Isa na doon ang panghihinayang. Maya -maya ay naramdaman ko na ang kamay ni Aldrich sa aking baywang kaya lumipat doon ang paningin ni Reev, saglitan lang at agad din siyang umiwas ng tingin.

"Mommy, who is he po?" bulong ni Ziva at nginuso si Reev.

Tumikhim ako. "Baby, he's tito Ethaniel, she's mommy's friend way back in college." paliwanag ko.

Tumango-tango naman si Ziva at kumaway. "Hello po, i'm Ziva Alyra Mendez, four years old po," daldal pa nito.

"Hello, Ziva. . nice to meet you," ngumiti si Reev at bahagya pang ginulo ang buhok ng bata.

Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng kamay ni Aldrich sa aking baywang kaya nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin kay Reev, tumikhim naman ako.

"Ethaniel, this is Aldrich Xantheus Mendez—"

"Her fiance," patuloy ni Aldrich at nag-abot ng kamay na tinanggap naman ni Reev.

"Ethaniel. ." nakipag-kamayan ito. "Nice meeting you,"

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now