Chapter 40

1.2K 3 2
                                    

"Mommy, i'm excited. ." napangiti ako ng umikot -ikot si Ziva sa harap ko, tuwang tuwa siya sa kaniyang bagong pink dress na binili ni mommy.

"Come here, aayusin na ni mommy ang buhok mo para aalis na tayo," pagtawag ko sa kaniya.

Mabilis naman siyang lumapit sakin. Sinuklay ko ang kulot at may kahabaan niyang buhok, hanggang baywang na ito. Bumungisngis siya habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin. Napangiti ako at inipitan siya ng dalawa, nilagyan ko din ito ng kulay pink na ribbon katerno ng suot niyang dress.

"Mommy it's so beautiful," mahinang sabi ni Ziva at hinawakan ang ribbon.

"Looks good on you," pinisil ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa ulo.

"Thank you for everything mommy, i love you. ." 

"I love you Ziva Alyra, "

"Are you two done?" biglang sumulpot si Aldrich.

Tumango ako. "Yes hon,"

Mabilis namang tumakbo si Ziva palapit kay Aldrich kaya mabilis akong nag-panic.

"Baby, don't run." sita ko sa kaniya.

"I'm sorry mommy." nagflying kiss pa siya sakin bago inangat ang kamay sa harap ng daddy niya takda na nagpapabuhat siya. "Daddy, i'm so excited pong pumunta sa mall," bulong ng anak ko pero rinig na rinig ko pa rin.

"Why?papabili ka ng new barbie, no?" pang-aasar ni Aldrich.

Ngumuso si Ziva. "No po, daddy. ."

"Really?"

"Yes daddy," tumango-tango pa si Ziva. "I have new barbies po kaya. . mommy-la bought me,"

Napangiti ako ng kilitiin ni Aldrich si Ziva kaya nakakabinging tili ang umalingaw- ngaw sa buong kwarto. Saglit pa silang nag-asaran dahil hinihintay nila akong matapos, naga-apply kasi ako ng light make -up, para ng presentableng tignan.

Pupunta kami ng mall dahil bibili kami ng damit na gagamitin namin para sa reunion sa isang araw. Ayaw ko sanang umattend dahil iniisip ko si Ziva, ilang araw palang magbuhat ng ma- discharged siya. Inabot din kami ng tatlong araw sa hospital bago tuluyang lumabas, ang sabi ng doctor ay bawal daw mapagod si Ziva kaya takot na takot ko kahit sa simpleng pagtakbo niya lang.

"Let's go?"

"Are you done, mommy?" tanong ni Ziva.

I kissed her right cheek. "Yes baby. Let's go na?after natin magshopping, bibili tayo ng gummies mo, do you like that?"

"Yes, mommy. ." tuwang tuwang sabi niya.

Habang buhat ni Aldrich si Ziva ay sabay sabay kaming bumaba. Wala sila mom at dad dahil may aasikasuhin daw silang business. Si Alistair naman ay may pasok sa school kaya hindi na namin siya naabutan pa, maaga kasi siyang pumasok dahil may 7:00 Am ang start ng class niya.

Maraming tanong si Ziva kay Aldrich na matyaga nitong sinasagot habang na sa daan ang atensyon dahil siya ang nagmamaneho. Paminsan-minsa ay nagtatanong siya sakin kaya sumasagot din ako. Buong byahe ay panay din ang kwento ni Ziva sa mga lugar ni pinasyalan nila kasama si mommy at daddy.

Pagdating namin ng mall ay pinagbuksan ako ni Aldrich at inalalayan pang bumaba. Ngumiti naman ako at nagpasalamat, sanay naman ako sa ganitong gawain niya.  Lumakad ako patungong backseat para kunin si Ziva sa car seat, samantalang nilabas naman ni Aldrich ang stroller niya.

"Mommy, mas want ko po maglakad. ."

Nagkatinginan naman kami ni Aldrich, ayaw ko sanang pumayag dahil baka mapagod siya pero wala akong nagawa ng tumango si Aldrich, bumugtong hininga ako at nginitian si Ziva.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now