Inayos ko ang pagka-kaparking ng aking sasakyan sa garahe bago tuluyang bumaba. Hindi na ako nagulat ng maabutan kong nandito na rin ang sasakyan niya. Dahil mas nauna siyang umuwi sa'kin kanina. Umikot ako patungong back seat para kunin ang cake na binili ko.
Malapad ang ngiti ko pagpasok ko ng pintuan. Naabutan kong bukas ang ilaw sa sala pero walang tao. Nagtanggal ako ng sapatos habang iniikot ang mata. Nasan kaya sila?Habang bitbit ang cake ay dumiretso ako patungong kitchen, hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay naaamoy ko na ang masarap na amoy ng niluluto.
Naabutan kong nakatalikod siya habang suot ang apron, ngumuso naman ako at dahan dahang lumapit sa direksyon niya. Binaba ko muna ang cake sa lamesa bago humakbang palapit sa kaniya at yakapin siya mula sa likod. Ramdam ko ang gulat niya kaya natawa ako, bahagya siyang pimihit para dampian ako ng halik sa ulo.
"Hi. ." ngumiti ako.
Humarap siya sakin at dinampian ako ng halik sa labi. Bago ako yakapin, natawa pero kalaunan ay yumakap din pabalik.
"You miss me so much?"
"Yes, hon. ." mas siniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.
"Magkasama lang tayo kanina," tumawa ako. "What are you cooking?"
Binaklas niya ang pagkakayakap sakin bago hinarap ang niluluto.
"I cooked sinigang," nakangising sagot niya at sumandok sa sabaw. "Since you're here, taste it. ."
Hinipan niya ang sabaw at tinapat ito sa bunganga ko. Tumaas ang kilay ko at hinigop ito.
"What do you think?"
"Ang sarap. ." nabawasan ang malapad kong ngiti ng may maalala. "Where's Ziva?"
He laughed. "She's uptairs. ."
Tumaas ang kilay ko. "What is she doing there?"
"She's in her playroom," tumango ako. "She's playing with her newly bought barbie."
I glared at him. "Did you buy her again?"
"I can't help it, I'm sorry. ." niyakap niya ako ulit at pinatong ang kaniyang baba sa aking balikat.
I breathed out. "Aldrich, stop spoiling her," parang bata siyang tumango. "You just bought a barbie yesterday, then you bought another one today?"
"Okay, i'm sorry, hon. ." ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi.
Pabiro ko siyang inirapan. "I'll go upstairs first to change my clothes. Tatawagin kona din si Ziva,"
He nodded. "All right. I will prepare the food, para pag baba niyo kakain na tayo. ." may pahabol pa siyang halik sa labi bago tuluyang tumalikod.
Katulad ng sinabi ko ay umakyat ako sa taas para magpalit ng damit bago ako tuluyang pumunta sa play room ni Ziva. Pagbukas ko ng pinto ay natanaw ko siyang naglalaro ng barbie.
"Baby. ." I called her.
Mabilis naman siyang lumingon sa pwesto kung saan ako nakatayo. Kitang kita ko ang mabilis niyang pagkilos upang tumakbo palapit sa'kin habang bitbit ang kaniyang barbie.
"Mommy. ."
Lumuhod ako para salubungin siya. Napangiti ako at hinalikan ang malamig niyang pisngi kaya humagikgik siya.
"How's my Ziva Alyra's day?" malambing na tanong ko at hinaplos ang kaniyang buhok.
"Fine po," she giggled. "Mommy, look. . Daddy bought me a new barbie," pagmamalaki niya.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...